Alan Paule on his "lack of chemistry" with Joy Viado: "Ang chemistry kasi, nangyayari sa set na. Mas magandang walang chemistry pagdating sa set. Kasi, mas makakapag-eksperimento ang artista, 'A, ganito pala siya. A, ganoon pala siya.' Naiiba ang gusto mong atake, magiging fresh yung reaction. Yung blocking. Pati yung director, may iba palang magandang na-discover sa actor, 'Gawin mo ulit 'yun!' So, magwo-work!"

Photo: Noel Orsal

So, maaga pa pala para husgahan na wala silang "chemistry" ni Joy?

"Ang chemistry kasi, nangyayari sa set na.

"Mas magandang walang chemistry pagdating sa set.

"Kasi, mas makakapag-eksperimento ang artista, 'A, ganito pala siya. A, ganoon pala siya.'

"Naiiba ang gusto mong atake, magiging fresh yung reaction. Yung blocking.

"Pati yung director, may iba palang magandang na-discover sa actor, 'Gawin mo ulit 'yun!' So, magwo-work!"

So, hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi ni Robbie na ang Alan-Joy tandem "will not work" dahil lack of chemistry nga daw sila?

"Hindi pa kasi tapos, e. Hindi mo pa nakikita [ang pelikula]," sagot niya.

POWER TRIP? May akusasyon din ang ilang kritiko ng Cinemalaya na nagpa-"power trip" lang daw si Robbie Tan.

Ano ang masasabi ni Alan dito?

"Hindi ko pa kasi nakakausap si Tito Robbie, e.

"Siguro binabalanse niya ang mga pangyayari, pero may times siguro na ang dating, e, nagpa-power trip minsan.

"Iba-iba kasi tayo ng pananaw, e. Baka ang dating sa kanila, e, gano'n.

"Pero dahil mga baguhan nga sila [young filmmakers], dapat alagaan sila, 'Ganito 'yan, ganyan 'yan.'