Is she aware sa napabalitang naghahanap ngayon ng replacement for her?
"No, I'm not aware of it," sabi niya.
Dahil hindi nga siya natuloy na maging leading lady ni Rocco, nagkaroon ng intriga na tinanggihan niya ang role dahil hindi niya gustong makapareha ang aktor.
"Talaga? Hindi... I didn't even know about it.
"First time ko lang na narinig 'yan sa inyo," sabi niya.
Bagay pa naman daw sa kanya na lumabas sa isang epic movie dahil Pinay na Pinay ang beauty niya.
"Ay, okay! Baka next time!" nangiti lang niyang reaksiyon.
BEAUTY CONTEST. Marami ang humahanga sa kagandahan ni Isabelle na pang-beauty queen ang dating.
She's not only pretty kundi sexy rin, may height, at matalino na mukhang minana niya sa kanyang Miss Universe titlist na inang si Gloria Diaz.
Pero kahit sinasabing potential beauty queen siya, consistent si Isabelle sa pagsasabing ayaw niya at hindi raw talaga siya interesadong sumali sa anumang beauty contest.
"Oo! Parang mahirap pa 'yon, e.
"I'm happy naman here sa GMA.
"I don't think I have to join a beauty pageant to prove something, di ba?
"And I'm very proud naman of my mom.
"Kung gusto kong magsuot ng korona, hiramin ko na lang 'yong sa kanya, di ba?" natatawa niyang sabi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 milomilo123
9 the_wisdom
8 pinay_i2
7 Space_Ace
6 oskieness
5 ka_epal
4 leo_100275
3 cherchezlafemme
2 lostris
1 rotoscaper