Naging usap-usapan ang ginawang pagsorpresa ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo sa programa ng Pop Princess na Sarah G Live noong Linggo, Marso 4.
Katulad ng mga tagasuporta ng kanilang tambalan, ikinatuwa rin ni Gerald ang naging reaksiyon ni Sarah, na napayakap pa sa kanya pagkatapos kantahin ng Pop Princess ang "All Of My Life."
Ayon kay Gerald, "Siguro kasi matagal na ring di kami nagkikita.
"Wala, e, mixed emotions, e, pero good emotions."
Ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa aktor ay ginanap kanina, Marso 6, matapos ang 23rd birthday celebration niya kasama ang beneficiaries ng Cancer Warriors Foundation at Cottolengo Filipim Inc. sa branch ng Jollibee sa C5 Road, Libis, Quezon City.
Sabi pa ng bidang aktor ng Budoy, "Masaya naman ako noong Sunday. Na-surprise po talaga siya. Hindi po niya talaga alam 'yon.
"Nag-decide ako na mag-surprise ako the day itself.
"Noong Sunday, sobrang special ng Sunday na 'yon for me."
"FRIENDS KAMI." Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na bumisita si Gerald sa show ni Sarah.
Naging special guest din si Gerald sa pilot episode ng Sarah G Live noong Pebrero 26.
Sa katunayan, sa naturang episode, hindi sinasadyang natawag ni Sarah si Gerald bilang "babe" na ipinagtaka ng mga manonood.
Ano na ang real score sa pagitan nilang dalawa?
"Friends kami," mabilis na sagot ni Gerald.
"Kasi, masaya naman ako kung ano 'yong nararamdaman ko para sa kanya kapag magkasama kami.
"Okay na 'yon. Okay na 'yon. Hindi naman kailangang lagyan ng label."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
70 pepster31
69 MissHugoBacungan
68 flourpower
67 chinkeea
66 pearl102
65 ian15yeah
64 chubie_buknoy
63 Alwaysholiday
62 Alwaysholiday
61 rray
60 pep_babe
59 bananakiller00
58 mygulay
57 Pinaysamerika1926
56 beyond_words
55 lynn_q8
54 lynn_q8
53 marie2286
52 milomilo123
51 TigerPack
more comments