Xian Lim on speculations that without Kim Chiu, his career would not have blossomed: "Sa akin, I'll let people think what they want to think, and say what they want to say. Basta ako alam ko ang ginagawa ko. Gaya ng sinasabi ng iba, I can't please everyone. Di ko na masyadong pinapansin yung mga sinasabing negative ng ibang tao, puro positive lang. Tulungan 'yan siyempre, di naman magiging successful ang team-up namin kung di kami nagkakaintindihan ni Kim."

Photo: Noel Orsal

Patuloy ang pagsasabi ni Xian Lim na espesyal sa kanya ang kapareha niyang si Kim Chiu sa seryeng My Binondo Girl, pero hanggang ngayon, consistent ang dalawa sa pagsasabing magkaibigan lang sila.

Kamakailan ay may lumabas na balitang si Enrique Gil, kaibigan ni Xian, ang bagong manliligaw ng young actress.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian noong Linggo, March 4, sa ASAP Rocks, hiningan namin siya ng reaksiyon sa balitang panliligaw raw ni Enrique kay Kim.

"Ay, di ko alam yun, sige tatanungin ko siya. 

"Wala naman kaming problema ni Enrique, kami sa Reunion, sobra kaming okay, masaya yung samahan namin.

"To be honest, hindi ko pa alam baka that moment, malalaman ko kung ano ang sasabihin ko, pero ngayon wala pa.

"Hindi ko alam ang magiging reaction ko kasi hindi pa nangyayari," saad ni Xian.

Hindi ba siya masasaktan kung magkagusto sa iba niyang manliligaw si Kim, lalo't wala pa naman pala talaga silang relasyon?

"Sa akin, desisyon niya yun, hindi naman ako namimilit na tao," sagot ng young actor.

SPECULATIONS. Sa patuloy naman na espekulasyon na sinasabi lang niyang espesyal sa kanya si Kim dahil may serye sila dati, kampante naman itong sinagot ni Xian.

Aniya, "Sa akin, I'll let people think what they want to think, and say what they want to say.

"Basta ako, alam ko ang ginagawa ko. Gaya ng sinasabi ng iba, I can't please everyone.

Nao-offend ba siya sa sinasabi ng iba na kung hindi siya nadikit kay Kim ay baka hanggang ngayon ay wala pa rin siyang career?

"Hindi ko na masyadong pinapansin yung mga sinasabing negative ng ibang tao, puro positive lang. 

"Tulungan 'yan siyempre, hindi naman magiging successful ang team-up namin kung hindi kami nagkakaintindihan ni Kim."