Inamin ni Janice de Belen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sobra siyang nalungkot sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Budoy na naging behikulo niya sa muling pagbabalik-Kapamilya.
Bukas, March 9, ang huling episode ng primetime series na ito na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.
Ayon kay Janice, "Totoo yung sinasabi natin na siguro na mas malungkot yung pagtatapos ng Budoy because we actually became a family.
"You know, siguro hindi maiiwasan na kapag nagtatrabaho ka three times a week, may mga days na di maiiwasang pagod ka.
"Or minsan, may dinamdam ka, 'tapos kukumustahin ka, you get to talk about it.
"Nagkukuwentuhan kayo tungkol sa buhay, you get to talk important things, so magkakaroon talaga kayo ng special bond.
"Kaya ngayong magtatapos na, pinipilit ko ngang huwag masyado malungkot.
"But I definitely miss everybody ha, as in everybody ha, talagang lahat naman kami nagkakasundo."
BONDING MOMENTS. Inamin din ni Janice sa PEP na kahit yung mga baguhan at mga artistang ngayon lang niya nakakatrabaho ay sobrang naging maganda ang kanilang samahan.
Katunayan, ang mga kasama niyang younger stars sa show ay naging mga anak-anakan daw niya on- and off-camera.
"I'm really sad kasi parang naging anak-anakan ko na si Gerald, pati si Enrique [Gil], si Jessy [Mendiola], so nakakalungkot talagang magtapos na ang Budoy," sabi ni Janice.
Ayon pa sa aktres, pinipilit niyang huwag masyadong malungkot dahil nasa iisang bakuran lang naman sila.
Baka balang-araw raw ay muli niyang makakasama sa ibang proyekto ang tatlo; pati na sina Zsa Zsa Padilla, Mylene Dizon, Christian Vasquez, Tirzo Cruz III, Dante Rivero, at Barbara Perez.
Isa sa mga dahilan daw rito ay ang magandang working relationship nilang lahat.
"With everybody, we're like a family," sambit ni Janice.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 ian15yeah
7 philippa_379
6 suddenlyyou
5 knightkrawlers0
4 ka_epal
3 marchioness
2 rachkti
1 beyond_words
more comments