Sa kabila ng kanyang busy schedule, nagawa pa ni Dingdong Dantes na bigyang oras ang pamilyang pinangakuan niya ng bahay noong kaarawan niya last year.
Ibinigay na ng My Beloved actor ang nasabing bahay sa pamilya Gonzaga kahapon, Marso 8, sa Gawad Kalinga Banyuhay Village, Barangay Silangan, San Mateo, Rizal.
Ang pamilyang ginawaran ng bahay ni Dingdong ay naging tampok sa special documentary noon ng aktor at ni Mike Enriquez, ang Report Card, na tumalakay sa estado ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa naturang documentary ay ipinakita ang pagpapalitan ng isang pares ng sapatos ng dalawang magkapatid para sa kanilang pagpasok sa eskuwelahan.
Ayon kay Dingdong, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng turnover ceremony, "Marami namang pamilya pero isa sila sa mga pinaka na-highlight at maraming na-touch sa story nila to the point na maraming gustoing tumulong sa kanila.
"Isa na doon ako at ang Yes Pinoy Foundation. So, we were thinking of a way kung papaano kami makakapasok sa pagtulong nga.
Dagdag pa niya, " Siguro isa sa mga pinaka-touching part ng story is kahit na mahirap sila, kasi nakatira lang sila sa ilalim ng tulay, e, hindi sila tumigil sa pag-aaral. May pagpupursigi sila sa pag-aaral.
"So, nakita namin na kahit gano'n ang living conditions nila, talagang on-the-go sila, walang hahadlang sa kanilang pagpasok kahit na sabihing wala pang sapatos at wala pang kagamitan.
"Through the donors and through the help of the foundation, we were able to gather funds."
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, sabi ni Dingdong, hangad niya na magsilbing inspirasyon ang kuwento ng dalawang batang estudyante.
Aniya, "'Yong talagang heroes dito ay 'yong mga bata kasi sila talaga 'yong nagpupursige sa pag-aaral.
"Sabi ko nga, e, sana they will serve as inspiration sa bagong community.
"Kung nagawa nila dati, much more ngayon because they already have a home.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
61 bacobaco
60 hototguy
59 justpassingby
58 mandersnork
57 iloveacting
56 jimmycrackcorn
55 sk8r_boi
54 yummyfruit
53 larisse
52 jams_mom
51 manangdi
50 TigerPack
49 jagjof
48 gibraltar
47 manangdi
46 AstroNut
45 AstroNut
44 ClawClown
43 pearl102
42 jagjof
more comments