John Lloyd Cruz on the possibility of doing a movie with Anne Curtis: "Hindi ko nga alam kung bakit lately napapaisip ako. Tingin ko kasi, hindi kami bagay kaya nakaka-challenge. Di ba, nakaka-challenge yun na parang hindi kayo bagay pero 'pag nabigyan kayo ng magandang material, hindi pa kasi nakikita what we can offer, hindi pa kami nabibigyan ng chance. Kapag nabigyan ng chance, tingnan natin kung mayroon bang chemistry o wala."

Photo: Noel Orsal

Kumpirmadong blockbuster ang Unofficially Yours pagkatapos nitong kumita ng P165 million sa isang buwang pagpapalabas nito sa mga sinehan. 

Ito ang kauna-unahang certified box-office hit ng Star Cinema para sa 2012.

Ang Unofficially Yours ang nagpatuloy sa winning streak sa takilya ni John Lloyd Cruz; ang pinakamalaking hit ni Angel Locsin; at ang nagpatatag sa estado ni Cathy Garcia-Molina bilang box-office director.

BOX OFFICE HIT. Sa victory party-thanksgiving ng Unofficially Yours last Wednesday, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS CBN, hindi naitago ni John Lloyd ang saya at pasasalamat sa suportang ibinigay ng publiko sa kauna-unahang pelikula nila ni Angel na magkasama.

"Natutuwa ako na lumaban pa rin kami.

"Alam n'yo naman, di ba, Oscar season? 

"Ang daming mga movies, kahit na hindi Oscar participants na pelikula, ang dami diyang magaganda and still lumaban yung pelikula namin. 

"I'm very, very happy," sabi ng aktor.

EXPECTATIONS. Wala ba siyang pressure na nararamdaman sa mataas na expectations ng marami sa tuwing may pelikula siyang pinapalabas?

"Hindi naman yun totoo," sabi ni John Lloyd.

"Kahit kaninong pelikula, puwedeng kumita talaga. Napaka-unpredictable ngayon ng audience. 

"Parang hindi mo alam kung ano ang tatangkilikin nila at kung ano ang hindi. 

"Para sa akin, natutuwa ako dahil buhay na buhay ang mga moviegoers.

"Kaya para sa aming mga artista, malaking bagay yun kasi alam mo na 'yang mga manonood, gusto lagi, 'Surprise us! Ano ba ang mao-offer ninyo ngayon?'