LJ Reyes doesn't want to deal with the "jealousy" issue any more.

"Wala bang bagong tanong?" she says. "E, kasi, tinanong na naman noon, sinagot na namin. Kapag tinanong ba ulit, mag-iiba ba ng sagot? Feeling ko, kapag paulit-ulit na sinasagot, mas magkakaroon lang ng meaning."

 

Natawa si LJ Reyes nang sabihin namin na puwede na siyang tawaging "hot momma" dahil sa muli niyang pagpu-pose para sa isang men's magazine.

Unang nag-cover pictiorial si LJ sa FHM at ngayon naman ay sa Playboy.

"Wow! Parang hindi ako sanay talaga! 'Hot momma?'

"Natatawa talaga ako pero mas okay na yun kesa tawagin kang losyang, di ba? 

"Ayoko ng losyang, mas ayoko yun!" natatawang sabi ni LJ sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

At least, puwede siyang maging inspirasyon na hindi porke't nanay na, puwede nang magpabaya sa katawan.

"Oo nga. May mga nagtu-tweet nga sa akin, paano ka pumayat? 

"Tapos, sinasabi ko sa kanila na feeling ko, malaking help talaga ang breastfeeding."

EDUCATIONAL INVESTMENT. Kung tutuusin, sa mga hindi nakakaalam, kahit na mommy na nga si LJ, nagawa pa rin niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Economics sa La Salle-Taft sa kabila ng pagbabalik din niya sa pag-arte.

Paano niya nga ba nagagawa ang lahat ng yun?

"Oo nga, ang dami kong ginagawa.

"Nakakatuwa lang na nagagawa ko lahat ng gusto ko, na naalagaan mo pa rin ang anak mo at hindi mo siya napapabayaan. 

"Although siyempre minsan, nakaka-guilty kasi iisipin mo, sana yung time na 'to, spent mo na lang with him. 

"Pero siyempre, iisipin mo, investment mo rin like sa school.