Given a chance, Jake Vargas would like to be paired with Hiram Na Puso lead star Kris Bernal.

"Crush ko po kasi siya," admits Jake. His manager German Moreno reveals that Kris also has a crush on Jake.

Photo: Rommel R. Llanes

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapareha kung sakaling buwagin ang love team nila ni Bea Binene, medyo nahihiya pang binanggit ni Jake Vargas ang pangalan ng babaeng gusto niya.

Napatingin pa siya muna sa manager niyang si German Moreno at ito na mismo ang nagsabi ng pangalan ng Kapuso star na gustong makapareha ni Jake.

"Si Kris Bernal," banggit ni Kuya Germs.

"Crush ko po kasi siya," pag-amin ni Jake sa mga miyembro ng press na dumating sa presscon para sa kanya ng BNY Unlimited na iniendorso niya kahapon, Marso 9, sa Cerchio Grill, Quezon City.

Unang nagkasama sina Jake at Kris sa drama series na Dapat Ka Bang Mahalin, kunsaan ginampanan niya ang papel bilang kapatid ng character ni Kris.

Kuwento naman ni Kuya Germs sa press, nagkataon na crush din pala si Jake ni Kris.

"Nagtapat kasi sa kanya si Kris Bernal, e.

"Sinabi niya, 'Alam mo, kung puwede lang ako, paliligaw na ako sa 'yo,'" kuwento ni  Kuya Germs.

Ang problema nga lang nung panahon na yun, pareho silang "committed."

Si Kris ay balitang may karelasyon noon, habang si Jake naman ay nakatali sa love team nila ni Bea.

Pero biro kay Jake, ngayong single na si Kris, baka puwede nang ligawan ito ng binata.

Napangiti lang ang young actor, "Hindi, nandiyan si Bea, e. Yari ako kay Bea."

Naintriga tuloy ang press sa sinabing ito ni Jake. May karapatan bang magalit si Bea kung manligaw siya ng ibang babae?

"Siguro. Kasi ako ang love team niya, e. Siguro po," sagot ni Jake.