Given a chance, Jake Vargas would like to be paired with Hiram Na Puso lead star Kris Bernal.

"Crush ko po kasi siya," admits Jake. His manager German Moreno reveals that Kris also has a crush on Jake.

Photo: Rommel R. Llanes

Bukod sa Alice Bungisngis and her Wonder Walis at Pepito Manaloto, kasali na rin siya sa Walang Tulugan with the Master Showman.

At heto nga't meron pa siyang bagong endorsement.

Nagpapasalamat nga raw siya nang husto sa manager niyang si Kuya Germs na siyang namamahala ng savings niya.

"Nakakaipon po ako dahil kay Kuya Germs. Siya po kasi ang nagha-handle sa aking money.

"Si Kuya Germs po talaga ang nagtuturo sa akin kung paano mag-ipon. Kung paano humawak ng pera," sabi pa ni Jake.

Dahil daw sa pag-iipon nila ni Kuya Germs, mayroon na siyang sariling kotse, may pinapagawang bahay at may pinapagawa ring computer shop na siyang magiging business niya sa labas ng showbiz.

"Hindi pa po siya gaanong kalakihan kasi ginagawa pa lang po. Pero kapag kumita o pag naging maganda ang kinalabasan, papalakihan ko."

Doon daw talaga siya nagko-concentrate sa ngayon, ang mag-ipon nang husto ng kanyang mga kinikita at ilagay sa bagay na pagkakakitaan pa niya.

"Ako po kasi ang breadwinner sa amin. Sinusuportahan ko po yung iba ko pang kapatid, yung mga iniwan sa akin ni Mama."

Namatay ang ina ni Jake nung nakaraang taon matapos ang pitong taong pakikipaglaban sa sakit na cancer.

CLICK HERE to watch related video.