Inamin nga ni Gwen Zamora na meron na raw siyang mga "haters" sa Twitter dahil sa kanyang role bilang si Iris sa Biritera.
Ang role kasi ni Gwen ay isang die-hard fan ni Andrei (played by Dennis Trillo) at nagkaroon sila ng relasyon.
Marami ngang eksenang nagyayakapan at naghahalikan sila ni Dennis sa naturang drama series kaya maraming fans ang nagre-react dahil masyado raw kikay ang role ni Gwen.
Natatawa na nga lang daw si Gwen sa mga reaction at comments ng kanyang mga haters sa kanyang role.
"Nagugulat nga ako, e. Dumarami na pala ang mga galit sa akin.
"Gano'n na ba ako ka-effective sa role ko for them to react that way?" natatawang sagot ni Gwen nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Building.
"They shouldn't take it so seriously. Work lang po ito.
"I mean, it's our job as actors to make it look real. Kung hindi maganda trabaho namin, baka wala kaming trabaho ngayon.
"And si Dennis matagal ko na siyang kilala at katrabaho. Hindi lang sa Biritera ko siya unang nakatrabaho because we also have Bubble Gang.
"Sa set ng Bubble Gang, nagkukuwentuhan talaga kami and we do different skits na magkasama.
"Kaya there's really nothing to get mad about or hate about me.
"Let's all be open-minded and understand naman trabaho namin [ito] bilang artista."
Nabanggit nga ni Gwen na karamihan daw ng mga haters niya sa Twitter ay mga fans ni Mikaela, ang role na ginagampanan ni Glaiza de Castro.
May nabuo raw kasing fan base ang teamup nila Dennis at Glaiza at anti-Gwen Zamora raw sila.
"Yun ang sinabi sa akin ng mga friends ko. Most of the people who don't like my character in Biritera are fans of Mikaela and Andrei.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 PEP_peroni
8 cy2
7 wanna_change
6 angel25
5 oskieness
4 BERNARD2010
3 grazildachuvastra
2 sk8r_boi
1 chikorita_pikachu