news

Amalia Fuentes explains why she hasn't done TV or a movie in ages: "Madali akong ma-low-bat."

by Rodel Fernando posted on March 10, 2012  STATS: 17833 Views | 14 Comments

Amalia Fuentes spends her time traveling. She says, "At my age, kailangang mag-enjoy na lang ako. Gusto ko ngayon yung travel nang travel. Last week, nasa India ako at alam niyo ba na sinubukan ko yung elephant riding. Yes, sumakay ako sa elepante. Ang tapang ko kasi puwede akong mahulog sa bangin kapag nagkamali ng direksyion yung elepanteng sinasakyan ko."

 

 

Photo By: Screen grab from Net 25


Taglay pa rin ang kutis porselana at magandang mukha nang humarap si Amalia Fuentes sa taping ng show ni Gladys Reyes sa Net 25, ang Moments noong March 1.

Halos limang dekada na rin ang lumipas pero napapanatili pa rin ng beteranang aktres ang mala-Elizabeth Taylor na mukha na minsan ding hinangaan at pinagkaguluhan.



Marami ang nakakapansin na tuluyan nang nanahimik ang career ng batikang aktres.

Hindi ba siya naiinggit o nakakaramdam man lang ng panghihinayan dahil ang mga kasabayan niyang sina Gloria Romero at Susan Roces ay active pa rin ngayon? Anu nga ba ang dahilan sa biglang pagkawala niya sa sirkulasyon?

"May mga offers sa akin. Hindi sa tinatanggihan ko pero kasi sa panahon ngayon, lalo na sa aking age, ay madali na akong ma-low-bat.

"Ibig ko sabihin kung gagawa ako ng teleserye, hindi ko kakayanin yung pagod," ang sabi ng aktres.

"Sabi nga sa akin ni Vic del Rosario, puwede naman daw akong mag-demand ng cut-off time na hanggang ganito lang o ganyang  oras lang  ako puedeng  mag-taping.

"Sabi ko, di ko talaga kakayanin kasi paano kung halimbawang isa o dalawang oras pa lang ay na-low-bat na ako, at di pa umabot sa cut-off ng oras ko?

"E, di ba ang laking abala nun sa production, sa staff at sa mga artista?

"Ayokong mangyari yun. Ayokong masisi.

"Yun ang reason kaya tini-turn down ko yung mga offer sa akin lalo na kung teleserye," aniya.

"Kung nagagawa man iyun ni Susan, masaya ako para sa kaniya dahil nakakaya pa niya.

"Pero minsan kapag nag-uusap kami,marami na rin siyang nararamdaman sa katawan niya tulad ko.

"Madalas niyang idaing  sa akin yung kaniyang likod.  Sabi ko sa kaniya, wala tayong magagawa kasi matanda na tayo at hindi na tayo tulad ng dati," sabay tawa pa ng beteranang aktres.

Dahil sa hindi niya pagiging aktibo sa showbiz, maraming oras ay inilalaan na lang niya sa pagta-travel.

Sa ginagawa niyang ito, pakiramdam niya ay lumalakas ang kaniyang katawan.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  catherinethegreat

    04/19/2012 | 10:07 PM
    This woman is the epitome of beauty, class and character. I like her very much eversince i was younger But I have known her from our folks everybody liked her during their era, and in her old days in showbusinesses she was undeniably a superstar. She, Susan Roces, Gloria Romero were so beautiful and decent women during their time in showbusiness. wish that we have some like them nowadays.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  jojomlndz

    04/11/2012 | 05:22 AM
    Love this woman! The true Queen of Philippine cinema...I hope we see more of her on tv and maybe a movie soon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  cinelamour

    03/13/2012 | 12:30 AM
    true frank pero hindi bastos hindi katulad ni rama
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  ogloveco

    03/11/2012 | 03:59 PM
    Almost anything about her is newsworthy. She is still an interesting topic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  angel25

    03/11/2012 | 09:51 AM
    Ive seen Amalia sa isang boutique sa Greenhills, hindi nga branded yung apparel store na yun....she's down to earth yet so classy. it's true her skin is still like baby skin, ang kinis na mukhang soft....and she is frank but in a pleasant way...and I dont think she's matapang as a person, kasi sa mga interviews sa mga artista, pag binabanggit sya, very affectionate ang pagalaala sa kanya ng mga kasamahan nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mariankimfan1

    03/11/2012 | 05:40 AM
    My favorite movie of hers is ang senorito at ang atsay. Sana I remake ni dongyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • glen

    03/11/2012 | 04:29 AM
    Amalia FTW!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mandaville

    03/11/2012 | 04:06 AM
    I hope she reonsiders. Puwede pa siya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • asamption1

    03/11/2012 | 04:03 AM
    Beauty and brains pa rin!!! Very frank at hindi marunong makipag bullshitan sa mga press people at mga kasamahan na din sa industriya...kaya mapupuna mo pinangingilagan at ang resulta ay bihirang isulat.Please feature her house for the many who admire and those who envy her!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jagjof

    03/10/2012 | 09:30 PM
    eto ang prangka na hindi bastos na tulad ni Bisaya..........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    03/10/2012 | 08:04 PM
    prangka sia at walang kiyeme, just watching moments, at super gandang ganda sia kay gladys reyes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    03/10/2012 | 06:22 PM
    super ganda pa rin nya ano!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ashsss

    03/10/2012 | 03:53 PM
    kung hindi sa THE BUZZ,sa ibang channel naman kinukuha ng PEP ang balita except sa GMA NETWORK kasi wlang mga xclusive and great news ang SHOWBIZ CENTRAL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    03/10/2012 | 03:34 PM
    i like her... mas maganda nman talaga mag paka-totoo ka sa sarili, i really like yung sinabe nya sa bulaklak totoong very natural pag hindi plastic... hahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About