news

PART 2 Robbie Tan on accusation that Cinemalaya has lost its indie spirit: "Alam mo, sa kanila [filmmaker] pa rin ang approach. Lahat, sa kanila pa rin."

by Mell T. Navarro posted on March 11, 2012  STATS: 4402 Views | 1 Comments
Photo By: Allan Sancon

Ayon sa ilang mga kritiko, hindi na raw "indie" ang spirit ng Cinemalaya.

Ano'ng reaksiyon ni Robbie Tan, ang monitoring head ng festival?

"Hindi naman," pagtanggi niya. 

"Hindi, e.  Alam mo, sa kanila [filmmaker] pa rin ang approach. Lahat, sa kanila pa rin.

"'Yung first [six] requirements lang [ang dapat nila ayusin]... After that, larga na sila! At 'tsaka, papaano mo sasabihin na...

"Kasi, kung ganoon ang sasabihin mo, eight years na ako sa Cinemalaya, ano'ng klaseng mga pelikula ba ang lumalabas—mainstream movies ba?

"Kung mainstream movies ang lumalabas, that means [dapat], tanggalin ako!

"Kung mainstream ang utak ko... I mean, the proof is there!

"Tsaka, kung hindi ako effective, kami ni Laurice [Guillen, Cinemalaya Competition Chairperson], bakit maraming magagandang mga pelikula ang lumalabas? 

"Kami ni Laurice ang nagbabantay!"  seryosong depensa ni Robbie.

Nang mabalitang na-disqualify kamakailan ang pelikulang MNL 143 sa New Breed category ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon (gaganapin sa July), naging maingay ang isyung ito sa indie film community.

Ang MNL 143 ay kuwento ng isang FX taxi driver na nagtrabaho sa Saudi ng sampung taon at pagbalik ng Pilipinas ay hinahanap nito ang long-lost love niyang babae.

Ang pelikula, na entry ng baguhang writer-director na si Emerson Reyes at producer na si Nestro Abrogena ay na-disqualify diumano dahil sa "casting issue."

Nais ng filmmaker na gumanap sa cast ang character actor na si Alan Paule at comedienne-singer na si Joy Viado—na hindi inaprubahan ng Cinemalaya Organizing Committee, dahil daw "walang chemistry" ang tandem ng dalawa.

Ayon pa sa Cinemalaya letter, tatlong aspeto ang kanilang kinunsider o ginawang basehan para sabihing "walang chemistry" ang tambalang Alan-Joy—competence, suitability to the role, at acceptance of the audience.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • cinelamour

    03/13/2012 | 12:12 AM
    the film sheika withdrew because robbie tan et al didnt like the lead actress who by the way won urian best actress. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About