Subsob sa trabaho ngayon si Piolo Pascual.
Ayon kay Piolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location taping ng Dahil sa Pag-ibig ng ABS-CBN ay halos araw-araw daw ay may trabaho siya.
Tuwing T-TH-S (Tuesday, Thursday and Saturday) ay nasa set siya ng pelikulang tinatapos niya kasama si Angelica Panganiban. Last year pa raw nila ito inumpisahan at sana ay maipalalabas na raw ito ng May.
Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes naman ay nasa taping si Piolo ng Dahil sa Pag-ibig na ipapalabas na sa Lunes, March 12, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Kasama niya sa teleserye si Christopher de Leon, Jericho Rosales, Cristine Reyes and Maricar Reyes.
Kamusta na si Piolo?
"Medyo ngarag. Kahapon, nasa shooting ako ng Every Breath You Take ng Star Cinema at ngayon dito naman sa Dahil sa Pag-ibig," aniya.
Isang pari ang ginampanan ni Piolo sa teleserye.
"Isa akong ampon nina Tito Boyet [de Leon]; ulila ako at a young age. Nakita niyo naman sa trailer, na may hindi magandang nangyari sa magulang ko, kaya inampon ako ng mga Valderama.
"Nagserminaryo ako for six years. But ever since we were kids, kami ni Cristine [Reyes] na anak ni Tito Boyet, andun na yung hidden interest namin sa isa't isa.
"To make a long story short, dinala ako ng tatay ko sa Rome, we shot some scenes there and then pagbalik ko, nanaig pa rin ang feeling ko for Cristine at dun nagsimula ang conflict.
"Kung paano naman ang conflict namin ni Jericho, it will be revealed after maipalabas ang pilot," kwento ni Piolo.
FIRST TIME TO WORK WITH ECHO. First time niyang makatrabaho si Echo sa isang teleserye. Pero hindi pa raw nakukunan ang mga eksena nila.
"This is my first time na makasama sa isang soap si Jericho. Hindi pa kami nagka-eksena together, aside from what you saw sa trailer.
"It's my first time also to work with Cristine Reyes," ang sabi ni Piolo.
Ilang beses nang naka-trabaho ni Piolo si Boyet de Leon. Ito ay sa pelikulang Dekada and Lovers in Paris.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
22 MandK
21 MandK
20 puckerlips143
19 Pinaysamerika1926
18 sweetum
17 angel25
16 alexis2222
15 JeepneyDriver
14 agusanonko
13 gossipboy
12 kapamilya_na_pilya
11 gopinoy
10 lovekopiolo
9 lovekopiolo
8 lynn_q8
7 grazildachuvastra
6 sweetum
5 pilyangmaganda
4 fluffysasha
3 milomilo123
more comments