Piolo Pascual plays the role of a priest in the upcoming ABS-CBN teleserye, Dahil sa Pag-ibig. "It's another different role. Siyempre, medyo nangangapa pa rin tayo but I'm excited dahil ibang dimension naman. Ang hirap lang ng conflict niya for him to give up the priesthood, tapos yung nag-ampon pa sa kanya, so mabigat ang burden niya," he says.

 

Photo: Abby Mendoza

May ilang eksena si Piolo na kinunan mismo sa Rome at sa Vatican City. Kamusta naman ang shooting duon?

"It was very cold. It was also the time na nag-shoot sina Coco Martin and Dawn Zulueta sa Walang Hanggan.

"We shot at the Vatican, sa cathedral and we shot all around Rome, kung saan andun ang mga pari," aniya.

FIRST TIME TO PLAY A PRIEST. Ngayon lang nabigyan ng pagkakataon si Piolo na gumanap bilang isang pari sa teleserye.

"It's another different role. Siyempre, medyo nangangapa pa rin tayo but I'm excited dahil ibang dimension naman.

"Ang hirap lang ng conflict niya for him to give up the priesthood, tapos yung nag-ampon pa sa kanya, so mabigat ang burden niya.

"Kaya, mabigat din ang mga eksenang kinunan.

"Last Monday sa ospital kami, may nangyaring aksidente, nu'ng  Wednesday sa burol kami, ngayon naman dito sa sementeryo, kaya mabigat.

"But all in all, it's all about love, kung ano ang gagawin mo dahil sa pag-ibig," sabi ni Piolo.

Ang seryeng ito raw ang pinakamalaking produksiyon ng ABS-CBN sa taong ito. Pero para kay Piolo lahat naman daw ng mga ginagawang teleserye ng ABS-CBN ay hindi basta basta.

"When I was watching the plug of Walang Hanggan, sabi ko, 'Wow ang ganda!'

"You know, it's an honor for me to work on a project like this. Siyempre, when we say soap, ang ABS talaga, pinapaganda at pinaghahandaan nang husto."

TITLE CHANGE. Hindi rin naman itinanggi ni Piolo na dating "Padre de Pamilya" ang titulo ng soap opera nilang ito. Katwiran niya, kaya raw pinalitan ay para maging akma sa mga manonood.

"Mas pinalawak kasi ito and we added another member of the cast,  Cristine Reyes," aniya.

Itinanggi din ni Piolo ang isyu na binago ang ginagampanan niyang role.