Derek Ramsay: "We're gonna go through the contract and then that's when the decision will be made. So I'm pretty sure by next week, malalaman na natin kung saan ako pupunta."

Photo: Courtesy of Star Cinema

Matagal nang usap-usapan ang paglipat diumano ni Derek Ramsay sa TV5 kapag matapos na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Last year pa ang tsismis na ito pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong development kung ano na nga ba ang magiging estado ng aktor.

Kapamilya pa ba siya o lilipat na siya sa ibang network?

Nitong Pebrero 29, nagtapos na nga ang kanyang kontrata sa Dos.

Naiulat din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 1 na nagkaroon ng meeting si Derek at mga bigwigs ng ABS-CBN.

Wala pa raw pormal na proyektong nailatag sa actor, pero may offer na daw sa kanya ang ABS-CBN.

Ayon pa sa ulat, baka daw pagkatapos ng isang linggo ay may desisyon na ang TV host-actor kung ano na nga ba ang plano niya.

Kahapon, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, nagkaroon ng pagkakataon ang programa na makapanayam si Derek bago pa man ito tumulak papuntang U.S. para magbakasyon.

Kuwento ni Derek, "Nung [February] 29 nakipag-meeting ako kay Sir Gabby [Lopez] at kay Tita Malou [Santos], that was the last day rin of my contract with ABS so, after that meeting nagbigay sila ng offer."

"Yung offer na yun ay nakarating na sa manager ko, nakarating na sa daddy ko, so pagbalik ko galing America yun ang priority."

"We're gonna go through the contract and then that's when the decision will be made. So I'm pretty sure by next week, malalaman na natin kung saan ako pupunta."

Apat na araw daw mamalagi si Derek sa America.

Ayon pa sa ulat ng Paparazzi, aminado raw si Derek na mabigat ang kanyang kalooban sa kanyang gagawing desisyon.

Dagdag pa niyang kuwento, "It's very hard. I don't want to, to, you know, burn bridges, I don't want to, it's hard, it's a hard decision for me."

"I have to think about myself, I have to think about other people, there are lots of things that come into play here. Pero ang sigurado diyan hindi ko gagawin 'tong desisyon na mag-isa. Kasama diyan ang pamilya ko and yeah, we'll just have to wait and see—next week."