Hindi raw nahirapan si Enzo Pineda na gawin ang butt exposure niya sa isang eksena sa pelikulang My Kontrabida Girl ng GMA Films.
"Siguro for me naging mas magaan sa akin na gawin yung eksena dahil magkakasama kami nina Sef [Cadayona], Kevin [Santos], at Ken [Chan], apat kami," umpisang pahayag ni Enzo sa recent interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Paano siya nakumbinsi?
"Siguro dahil para sa akin depende naman sa role, sa character and for this movie, it's for the love of the movie.
"Hindi kasi siya malaswa or pangit tingnan, more on pang-comedy talaga, nakakatawa."
Ikinuwento ni Enzo ang naturang eksena...
"Parang si Rhian [Ramos], lolokohin kami na 'Uy punta tayo sa batis, mag-photo shoot tayo!'
"Siyempre pose-pose kami sa batis, tapos sasabihin ni Rhian, 'O topless naman', so topless kami, tapos... ako kasi yung maloko sa grupo, ako yung magko-convince sa grupo na magtanggal ng briefs so kaya nagkaroon kami ng butt exposure."
Sa simula raw ng eksena ay kumpleto ang suot nila na T-shirt, pants at underwear.
"Tapos isa-isa naming tinatanggal."
Ilang minuto ipinakita ang puwet nila?
"Siguro mga one minute po."
May preparation ba siyang ginawa para sa big screen debut ng puwet niya?
"Siguro iningatan ko lang na mabuti, iningatan ko, I made sure na wholesome yung puwet ko," tumatawang sinabi ni Enzo.
Iningatan rin niya na walang ibang private part na makikita sa kanya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 bignetworkwars
12 jojojo
11 MaryaLaDelBario
10 used2b_kapamz
9 ka_epal
8 steelwings
7 yummylicious2012
6 GMAsimplyTHEbest
5 Paradigm
4 mindfreak79
3 JeepneyDriver
2 kapuso80
1 kapamilya_na_pilya