Unang pelikula ng StarStruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva ang Just One Summer, na pagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.
Gaganap si Steven bilang isa sa mga barkada ni Elmo.
Natuwa nga si Steven dahil mararanasan na raw niya ang gumawa ng pelikula.
"This is one of the wishes that I always pray for.
"I already did television and I'm also doing a stage musical soon.
"Nagkaroon ako ng malaking endorsement with Bench.
"Kaya movie na lang ang kulang, di ba?
"Ngayon, I'm part of this movie ng GMA Films. I can't wait na mag-shooting na ako," sabi ni Steven nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Just One Summer last March 8.
Dalawang drama series na ang nagawa ni Steven sa GMA-7—ang afternoon soap na Koreana at ang primetime danserye na Time of My Life.
Kasalukuyan naman siyang guest sa Reel Love Presents Tween Hearts at regular performer siya sa Party Pilipinas.
LEARNING TAGALOG. Masaya namang ibinalita ni Steven na maayos na siyang magsalita ng Tagalog ngayon.
Kumpara noon na halos hindi niya mabigkas ang ilang Tagalog words, ngayon ay diretso na raw siyang mag-Tagalog.
"Opo, marunong na ako," ngiti ng Portuguese-Chinese-Filipino actor na lumaki sa Sacramento, California.
"It took me while, pero kaya ko naman na.
"Kapag kinakausap ako, dapat Tagalog para Tagalog din ang isagot ko.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 Paradigm
11 palengkera
10 Paradigm
9 oskieness
8 soy_tu_duena
7 grazildachuvastra
6 grazildachuvastra
5 gorgeous_aleck
4 ka_epal
3 gorgeous_aleck
2 BERNARD2010
1 steelwings