Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Gerald Anderson sa wrap-up party ng pinagbidahan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Budoy, noong Biyernes, March 9, sa Excess Superclub sa Timog Ave., Quezon City.
Noong gabing din yun ipinalabas ang huling episode ng Budoy.
Buong-pusong nagpasalamat si Gerald sa mga taong sumubaybay at sumuporta sa seryeng kanyang pinagbidahan.
"Maraming salamat sa mga taong sumubaybay sa amin sa umpisa, sa gitna, at katapusan.
"Kayo ang naging inspirasyon namin upang lalo pang pagandahin ang trabaho namin.
"Kaya kung wala kayo, hindi namin magagawa ang lahat ng ito," pahayag ng matinee idol.
Paano nabago ng Budoy si Gerald?
Ani Gerald, "Siyempre masaya ako at nakakapag-inspire ako ng mga tao sa ginampanan kong role.
"Sobrang challenging talaga din yung role.
"I just thank Papa God for this wonderful blessing.
"Ibang klaseng experience itong Budoy.
"Ibang klase ang ginawa nito sa akin at siyempre sa ibang tao."
Sa serye ay ginampanan ni Gerald ang role ng isang may Angelman syndrome o may mental retardation.
MOST MEMORABLE BIRTHDAY. Ayon kay Gerald, masaya naman lahat ang naging birthday niya kaya nga raw ito "birthday," ngunit nitong nakaraang kaarawan niya, March 7, ang pinakamasaya.
Sabi niya, "I've become more mature, mas marami na rin akong opportunities to help more people because of Budoy.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
56 darlingaga
55 vinalariza
54 Gorgeousmama_777
53 walakangpaki
52 greatness
51 knightkrawlers0
50 MissHugoBacungan
49 rray
48 ClawClown
47 MissHugoBacungan
46 harmonizer2
45 hello2happy
44 lanieguillen
43 MissHugoBacungan
42 CHINKO
41 mariankimfan1
40 stockton74
39 Syete
38 happygolucky
37 lyka25
more comments