Ruffa Gutierrez reveals her fears about what's in store for her after annulment of marriage to Yilmaz Bektas: "Hindi ko pa sure. Kasi you know naman, we go through seasons... sometimes it's rainy seasons na [kapag] hindi kami okey, na masungit siya or wala siya sa mood. There are times naman na nasa mood siya, happy siya, and summertime, nagkukuwentuhan kami, walang problema. I guess, depende sa seasons."

Photo: Noel Orsal

Photo by Noel Orsal


Hindi sigurado si Ruffa Gutierrez kung mananahimik na ang kanyang buhay ngayong annulled na ang kasal nila ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Baka raw kasi guluhin na naman siya ni Yilmaz at pagbantaan na naman ng kung anu-ano.

"Hindi ko pa sure," sagot ni Ruffa sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung matatahimik na ang buhay niya.

Nakausap namin ang actress-TV host matapos ang live telecast ng Paparazzi sa Broadway studio ng TV5 noong Sabado, March 10.

Paliwanag pa ni Ruffa, "Kasi you know naman, we go through seasons.

"Sometimes, it's rainy seasons na hindi kami okey, na masungit siya, or wala siya sa mood.

"There are times naman na nasa mood siya, happy siya.

"And summertime, nagkukuwentuhan kami, walang problema.

"I guess depende sa seasons."

Umaasa si Ruffa na makakapag-move on na si Yilmaz ngayong may kanya-kanya na silang buhay. 

Bagamat hindi pa raw nakakausap nang pormal ni Ruffa ang dating asawa, alam niyang matututunan din nitong tanggapin ang tuluyan nilang paghihiwalay.

 

STAGE MOTHER. Pagdating naman sa kanyang mga anak, masayang ibinida ni Ruffa ang paglabas-labas nina Lorin at Venice sa TV shows. 

Nauna na nga ang dance number ng dalawa sa ASAP 2012 dalawang linggo na ang nakararaan.

At noong Linggo, March 12, ay nag-guest naman ang dalawang bata sa Showbiz Central, kunsaan isa sa mga host ang tito nilang si Raymond Gutierrez.

"Naku, may trending sila worldwide!" proud na sabi ni Ruffa.

Nangangahulugan ba itong pinapayagan na niyang pasukin ng mga anak ang showbiz?