Rhian Ramos on confronting issues about her: "The most confrontation na ginagawa ko ngayon, talagang kahit mahirap, hinaharap ko pa rin. And it's difficult to go to court for example... hassle siya, pero kailangang gawin. Ano, e, parang alam ko kung ano yung dapat bigyan ko ng importansiya at hindi. Talagang I'm moving on. Saka ang dami ulit na nangyayari na maganda, so doon ko inilalagay ang atensiyon ko."

Photo: Courtesy of GMA Films

Nagbabasa pa ba siya ng mga artikulo tungkol kay Mo?

"Nagbabasa? Ay, hindi na, pero binabalitaan ako ng mga tao... may mga nagkukuwento, pero wala.

"Ako pa ba ang magpa-bad trip sa sarili ko?" sabi niya.

READY TO CONFRONT THE ISSUE. Handa na raw si Rhian na harapin ang mga isyung kinasasangkutan niya.

Saad niya, "The most confrontation na ginagawa ko ngayon, talagang kahit mahirap, hinaharap ko pa rin.

"And it's difficult to go to court for example... hassle siya, pero kailangang gawin.

"Ano, e, parang alam ko kung ano yung dapat bigyan ko ng importansiya at hindi.

"Talagang I'm moving on.

"Saka ang dami ulit na nangyayari na maganda, so doon ko inilalagay ang atensiyon ko."

RUMORS LINKING HER TO KC MONTERO AND JERIC LACSON. Pinabulaanan naman ni Rhian ang balitang nagli-link sa kanya sa radio-TV host na si KC Montero at sa anak ni Senator Ping Lacson na si Jeric Lacson.

"Saan kaya nagsisimula 'yon? Saan kaya nanggagaling 'yon in the first place?" balik-tanong ni Rhian.

"Wala akong idine-date ngayon para lang klaro.

"At saka gusto ko na rin mag-sorry kay KC at saka kay Jec [Jeric] kasi hindi naman sila dapat isinasali pa sa mga ganoong klase ng hassle.

"Pero kahit pinag-uusapan sila o kami, mananatili pa rin sila na mga kaibigan ko. So thankful din ako doon."

Dagdag pa niya, "Di ba minsan, mahirap... kunwari, lalo na si Jec, hindi naman siya showbiz, kawawa naman siya.