"Wala akong karapatan na sabihin sa kanyang huwag kang makipag-date sa iba. Huwag kang makipag-text sa iba or tawagan. But sinabi ko naman sa kanya na puwede niyang sabihin sa akin yun at susundin ko yun," says Gerald Anderson when asked if he and Sarah Geronimo are already exclusively dating.

Photo: Monching Jaramillo

Photo by Monching Jaramillo


Ibinuko ng nakababatang kapatid ni Gerald Anderson na si Kenneth ang aktor nang magbigay ito ng VTR birthday message sa The Buzz noong Linggo, March 11.

Ayon kay Kenneth, "madrama" si Gerald kapag may girlfriend at palagi raw itong may kausap sa telepono at halatang masaya.

"Hindi ko alam sa kanya!" ang natatawang sagot ni Gerald nang tanungin ni Charlene Gonzalez tungkol sa sinabi ng kanyang kapatid.

Diretsahan tinanong ni Charlene si Gerald kung si Sarah Geronimo ba ang madalas nitong kausap sa telepono na nagpapasaya sa kanya.

Nakangiti na tila napapatango na lang si Gerald sa tanong ni Charlene.

THAT MAGICAL MOMENT. Kailan ang unang pagkakataon na naramdaman ni Gerald na tila may "magical moment" siya para kay Sarah?

Yung tipong nang tingnan niya si Sarah ay nasabi ni Gerald sa sarili niya na gusto niya ang dalaga?

"Wow! Siguro noong last shooting day ng I Won't Last A Day Without You. Yung eksena na kissing scene.

"Before pa ng scene, nagse-set-up sila, so nagkukuwentuhan kami sa gilid.

"Doon ko na-realize... kasi nagulat ako, ang dami niyang in-open up sa akin.

"Ang dami niyang nai-share at doon ko nakita na, 'Wow, she's beautiful!'"

Ano yung partikular na nagustuhan niya kay Sarah?

"Her being herself," sagot ni Gerald.

"Nag-open up siya for no reason.

"Hindi ko in-expect na gagawin niya yun. So, nag-open up din ako sa kanya."