news

Janelle Manahan says Ramona Bautista is the "missing piece" in Ramgen Revilla slay case; pleads with PNoy to intervene

by Rose Garcia posted on March 13, 2012  STATS: 2800 Views | 5 Comments

 

Janelle Manahan on her last recourse to bring Ramona Bautista back to the Philippines: "I just wanna ask also the President and the government... nahihiya akong gawin 'to, but I have no choice. Sila lang ang hope ko. Yung process sana, hindi ko alam kung paano nila makakausap yung ambassador or President ng Turkey para mapauwi si Mara [Ramona]. Kasi, hindi po talaga uuwi si Mara. Wala po tayong extradition treaty. Yun na lang po yung only hope ko. Kasi, kapag umuwi si Mara, maaayos po ang kasong ito. Yun na lang po ang pakiusap ko."

Photo By: Noel Orsal

Photo by Noel Orsal


Kung noong isang Linggo, March 4, ay ang ina ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay ang nag-guest sa The Buzz, nitong March 11 ay ang girlfriend naman ng pinaslang na aktor na si Janelle Manahan ang live na nagpa-interview sa showbiz talk show ng ABS-CBN.

"Getting better," tugon ni Janelle sa tanong ni Boy Abunda kung kumusta na siya.

Tuluy-tuloy pa rin ba ang therapy niya?

"Tuluy-tuloy pa rin po ang therapy, thrice a week.

"Muscle stimulation kasi na-paralyzed po siya," pagtukoy niya sa kanyang muscles sa pisngi na napinsala dahil sa tinamong tama ng baril sa mukha.

Patuloy niya, "Pero ngayon, hindi na siya paralyzed. Weak na lang ang muscle niya."

RAMGEN'S "BIRTHDAY." Noong February 12 ay 23rd birthday sana ni Ramgen, kaya tinanong ni Boy si Janelle kung paano niya inalala ang kaarawan ng yumaong kasintahan.

"Actually, I requested yung mommy ko na magpa-mass.

"Kasi, kahit gusto kong magpunta do'n sa puntod niya, alam ko na yung family niya, pupunta do'n.

"And I'm not ready yet to face them. Kasi medyo complicated nga ang mga bagay-bagay," sagot ni Janelle.

DREAMING OF RAMGEN. Sa naunang panayam ni Boy sa kanya noon, nasabi ni Janelle ang pagnanais na kahit sa panaginip ay magparamdam sa kanya ang namayapang boyfriend. Nangyari na ba ito?

Ayon kay Janelle, "Actually, meron akong mga dreams na parang sequence. 

"Sunud-sunod na nakakausap ko siya sa dream ko.

"Actually, palagi niyang sinasabi sa dream ko, buhay siya. 

"Siguro, subconsciously, gusto ko buhay siya kaya ganoon ang dream ko."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • tearhere

    03/14/2012 | 04:17 PM
    No offense ha, I know shes grieving pa pero npka-special ba ng case na 'to para makialam pa pati presidente, eh ang dami nga jan mga ordinaryong tao pinapatay ng di nabibigyan ng hustisya. Sna ma-realize ni Janelle na she was given a chance 2 live kse sya lng ang kelangan 2 put the killers behind bars, konting patience lng, tsaka anong ginagawa ni bong revilla, dun kna lng lumapit kse mukang pumepetiks lng sa Senado un, give him pressure ng magka-silbi nman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    03/14/2012 | 11:51 AM
    Ang Panginoon nga naman. Kaya nga Diyos siya eh kasi binuhay niya talaga si Janelle maski may tama na sa mukha a inasthma na kaya akala ni Ramona patay na. And look at her recovery, it's a miracle Thanks be to God. Sana Janelle at Ramgen mabigyan na kayo ng hustisya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    03/14/2012 | 08:05 AM
    PRESIDENTS DUTIES. Janelles plea to PNoy is not required. It is the Presidents duty to see to it that there is justice in the country and it is his duty to see to it that crimes are solved. PALPAK lang talaga si PNoy sa angulong ito. Siguro dahil wala naman kinalaman sa possible dinner date ni PNoy at wala rin kinalaman sa mga political enemies niya kaya WALA si PNoy na pakialam. Shame of PNoy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    03/13/2012 | 10:30 PM
    ibig palang sabihin dpa pala maayos tlga ang kaso..suntok sa buwan pa din..c gail yan ang tutukan mo dahil kasali yan sa kremin
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • misstoe

    03/13/2012 | 10:26 PM
    Kung di siya guilty, bakit siya nagtatago???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About