"I just want her to be happy. I want her to feel na nandito naman ako. I want her to feel special," says Xian Lim when asked about the real score between him and former onscreen partner Kim Chiu.

Photo: Noel Orsal

Photo by Noel Orsal


Bagamat tapos na ang teleseryeng pinagsamahan nina Kim Chiu at Xian Lim, ang My Binondo Girl, hindi naman naputol ang magandang samahan nabuo habang magkasama sila sa trabaho.

Ito ay pinatunayan ni Xian sa press conference na inihanda para sa 20th anniversary ng Star Magic kahapon, Marso 13.

Ayon sa young actor, "Wala namang mababago sa nangyari sa amin porke't natapos ang soap.

"It's not gonna change.

"Katulad nga ng sinasabi ko palagi, I'm always here to make her feel special."

Sa pagtatapos daw ng kanila pagtatambal, sabi ng binatang aktor, "We maintained a good friendship. Nothing's changed. Kung may mabago man, it's probably growing."

Hindi rin niya ikinaila na patuloy pa rin ang paglabas nila ni Kim. Dahil dito, mas lumalalim pa raw ang kanilang relasyon.

"I'm getting to know her more," nakangiting sabi ni Xian.

"Tinanong nga kanina if the relationship is getting anything deeper, of course it's getting deeper kasi you're getting to know the person more."

MEETING KIM'S FAMILY. Samantala, napag-alaman din ng entertainment press na nakilala na ni Xian kamakailan ang ilang kamag-anak ni Kim na nagmula pa sa Cebu.

Pero sabi ni Xian, hindi naman daw ito dapat bigyan ng ibang kulay.

Dagdag pa niya, "Siyempre naman, wala namang masamang kumain ng dinner kasama ng family.

"Wala namang masama doon.

"I'm just saying na I'm really happy na na-meet ko na sila.

"Parang I'm getting to know the person more."