"I just want her to be happy. I want her to feel na nandito naman ako. I want her to feel special," says Xian Lim when asked about the real score between him and former onscreen partner Kim Chiu.

Photo: Noel Orsal

"LET'S NOT OVERTHINK." Bagamat tila nagiging mas mabuti na ang relasyon sa pagitan nina Xian at Kim, agad namang pinaalala ng young actor na, "Let's not overthink the situation."

Paliwanag pa niya, "Kasi kapag iniisip mo 'yan, talagang marami ka nang iisipin.

"Mas maganda 'yong ine-enjoy mo, just enjoy the moment.

"Basta ako, I'm loving the moment."

Hindi rin naman daw nagmamadali si Xian sa pagkakamabutihan nila ni Kim.

"Let's take it step by step. I don't wanna look too far in the future.

"Let's take it moment by moment.

"Let's not overthink the situation.

"Basta I'm happy na we're getting to know each other more."