Jake Vargas on rumor that his discoverer-mentor German Moreno is controlling and very strict to him: "Si Kuya Germs naman po, binabantayan niya ako at hinihigpitan. Pero kumbaga, para sa career ko. Gina-guide niya ako para umangat pa ang career ko. Minsan, pinagbabawalan din niya ako sa panliligaw. Kasi 'yong tungkol sa panliligaw, nandiyan lang din naman 'yan, e. Puwedeng makapaghintay 'yan. So, kumbaga, gina-guide nga lang niya ako. Hindi naman siya nagiging mahigpit talaga. Lagi ko pong kasama si Kuya Germs. Hindi 'yan humihiwalay sa akin talaga."

Photo: Rommel R. Llanes

Photo by Rommel R. Llanes


Nauna nang may nasulat na sinabi raw ni Jake Vargas na malabo siyang ma-in love kay Bea Binene, na ka-loveteam niya sa Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, dahil kaibigan lang ang tingin niya sa young actress. 

Pero nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, March 11, sa backstage ng Party Pilipinas, panay ang tanggi niyang may gano'n siyang naging pahayag.   

"Hindi," aniya.

"Puwede rin naman akong magkagusto kay Bea, di ba?

"At saka si Bea kasi, kilala ko na 'yan, e.

"At wala naman nga akong sinabi na never akong mai-in love sa kanya."

BEA BINENE. May kilig na sa viewers ang tambalan nila ni Bea at dumarami na rin ang fans na sumusuporta sa kanila.

"Siyempre po, ginagawa naman namin ang best namin ni Bea. 

"At masaya naman kami na maraming nagkakagusto sa team-up namin.

"And  malaki na po ang ipinagbago ng samahan namin, hindi lang bilang magkapareha kundi bilang magkaibigan din. 

"Medyo lumalalim na ang pinagsamahan namin.

"Kasi si Bea, unti-unti ko na siyang nakikilala. Habang tumatagal, nakikilala ko pa siya nang nakikilala."

KRIS BERANAL. Nitong mga nagdaang araw, pinag-usapan ang nasabi rin ni Jake na crush na crush daw niya si Kris Bernal. 

"Oo. Nagsimula 'yong pagkakaroon ko ng crush sa kanya nang magkasama kami sa isang show.

"'Yong sa kanila ni Aljur [Abrenica] dati. Kapatid niya ang naging role ko.