Masayang-masaya si Zia Quizon sa natanggap niya na karangalan sa MYX Music Awards 2012 kagabi, Marso 13, na ginanap sa Music Museum.
Siya ang nanalo sa kategoryang Favorite New Artist, kung saan nakalaban niya sina Angeline Quinto, Ebe Dancel, Solenn Heussaff, at Somedaydream.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Zia kaninang tanghali, Marso 14, sa Rockville Restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.
"One, really grateful na na-acknowledge ako in that way," sagot ni Zia nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang pagkapanalo.
"I'm just really happy.
"Kasi, like I said, I grew up watching MYX Awards, so it's just surreal to be part of this world.
"So, it's really a good feeling."
Ang parangal na ito'y magsisilbing inspirasyon daw para sa dalaga, na gumawa ng mga bagong OPM songs, lalo pa raw at naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang debut album.
Ayon kay Zia, "I was really hesitant to enter showbiz, kasi hindi naman ako gano'n ka-showbiz as a person. 'Yong personality ko, hindi gano'n ka-outgoing or anything.
"So, I promised myself na if the album didn't do well, hindi ko na ipu-force.
"If they don't want to hear what I have to say, okay lang.
"So, it's nice to know that people like what they hear from me.
"It's very encouraging to keep doing good music."
BETTER THAN KARYLLE? Simula nang pumasok sa music industry si Zia ay hindi maiwasang ikumpara siya sa half-sister niyang si Karylle, na anak ni Zsa Zsa sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari.
Marami ang nagsasabi na mas gusto nila ang boses ni Zia kaysa sa nakatatandang kapatid nito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 FlyNDance
17 lanalang08
16 humandynamics
15 milomilo123
14 milomilo123
13 2psinapod
12 Paradigm
11 Syete
10 pearl102
9 agusanonko
8 BERNARD2010
7 lifehouse232
6 pepato
5 lynn_q8
4 Einstein_1
3 jakar
2 butching
1 ka_epal