"Ayaw kong isipin at hindi naman siguro dapat isipin. I don't think there's a reason for that, para umalis ng Star Magic, kaya hindi ko po iniisip 'yon," says Piolo Pascual about past rumor that he's transferring to another network.

 

Photo: Noel Orsal

Bagamat malaking pangalan na sa industriya si Piolo, sinabi niya na wala namang special treatment na ibinibigay sa kanya ang Kapamilya talent arm.

"Hindi naman ako na-pamper," sabi ni Piolo.

"Mayroon din pagre-rebuke, mayroon ding pagdidisiplina kasi parte 'yon ng growing up.

"Hindi ka naman magiging humble, hindi ka naman matututo kung hindi ka mapapagalitan, kung hindi ka natututo sa mga lesson na pinagdadaanan mo.

"Kung puro pampering, lalaki ang ulo mo, hindi ka matututo.

"So, sa akin, what's good about Star Magic is hindi ka nila tino-tolerate din.

"Hindi nila ito-tolerate ang paglaki ng ulo mo at they'll keep you grounded.

"That's what I like about our family, hindi siya showbiz."

Bukod sa pagiging humble, ipinapakita rin daw ng Star Magic ang pagiging displinado.

"The most important thing [you'll learn] in Star Magic is discipline and humility.

"This is the more you'll realize you're not alone, you're not isolated.

"More than having brothers and sisters, you have a family, you have a mom, you have a dad, and you have [road managers] and handlers who look after you and take care of you through thick and thin.

"Talagang makikita mo 'yong support group mo nandito.

"Para everything you ask for, hindi lang sa career mo kundi pati sa personal life mo, nandoon na," saad ni Piolo.