"Ayaw kong isipin at hindi naman siguro dapat isipin. I don't think there's a reason for that, para umalis ng Star Magic, kaya hindi ko po iniisip 'yon," says Piolo Pascual about past rumor that he's transferring to another network.

 

Photo: Noel Orsal

Photo by Noel Orsal

Muling natanong ang matinee idol na si Piolo Pascual tungkol sa paglipat ng network sa ginanap na press conference para sa 20th anniversary ng Star Magic kahapon, Marso 14.

Ang Star Magic ay ang talent arm ng ABS-CBN, na matagal nang namamahala sa showbiz career ni Piolo.

Katulad ng dati, sinabi ni Piolo na wala siyang dahilan para maisip na lumipat sa ibang TV network.

(CLICK HERE to read related article.) 

Aniya, "Ayaw kong isipin at hindi naman siguro dapat isipin.

"I don't think there's a reason for that, para umalis ng Star Magic, kaya hindi ko po iniisip 'yon."

Sa katunayan, kung puwede lang daw, sabi ni Piolo, "Sana dito na ako tumanda.

"Sobrang sakit siguro kapag dumating ang panahon na kailangan mong umalis.

"Pero sobra kasi dito 'yong family, e. Hindi na trabaho, e.

"It's really personal na ang relationship mo, from Mr. M to Tita Mariole, down the line to the [road managers] to the handlers."

Sina Mr. M o Johnny Manahan at Mariole Alberto ang mga kilalang namumuno sa Star Magic.

Sa tinagal-tagal na ni Piolo sa Star Magic, malaki na raw ang tiwala niya sa mga taong namamahala nito.

Aniya, "I don't see any reason why I should doubt that."

BEING A STAR MAGIC TALENT. Samantala, sa halos mahigit na 300 talents ng Star Magic, maituturing na isa sa mga pinakasikat na artista nito si Piolo Pascual.