It all feels brand new to Aga Muhlach when he accepted his third Best Actor trophy from the 28th PMPC Star Awards for Movies. He is glad people still appreciate what he does after all these years. "As you get older, siyempre it gets harder [to get] projects also. Parang, 'What else?' Ano pa ba ang puwede kong gawing pelikula? But then...yeah. Although naghahanda naman ako parati, every time I come out with a movie, I'll make sure na magugustuhan ng tao or my critics talaga," he says.

Photo: Noel Orsal

Kagabi, Marso 14, sa ginanap na 28th PMPC Star Awards for Movies sa Meralco Theater, ay muling tumanggap si Aga Muhlach ng Best Actor trophy para sa kanyang pagganap sa pelikulang In The Name Of Love.

Nag-tie sila ni Laguna Governor ER Ejercito na nagwagi rin para sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Halatang nagulat si Aga nang tawagin ang kanyang pangalan. Noon kasi'y nakaupo siya sa gilid ng stage at naghihintay para sa kanyang cue bilang co-host ng naturang award show.

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor matapos ang programa, inamin nito na nagugulat pa rin siya sa tuwing mananalo siya ng acting award.

"Oo naman, siyempre naman," saad niya.

"Siyempre ayaw mong asahan kasi para huwag [ma-disappoint], pero kapag tinawag na iyong pangalan mo, nakakanerbiyos pa rin.

"But of course you'd want to win also and then 'pag tinawag at nanalo ka, e, 'di heto, masarap. Salamat."

Ito na ang ikatlong panalo ni Aga bilang Best Actor sa Star Awards. Ang una ay para sa pelikulang Sinungaling Mong Puso noong 1992 at Dubai noong 2005.

MORE MOVIES. Sa kalagitnaan ng kanyang acceptance speech ay nagpasintabi si Aga kay Gov. ER na maghintay saglit bago niya ipasa ang mikropono dito.

Aniya, baka hindi na umano maulit ang pagkakataon niyang iyon sa entablado.

Nangangahulugan ba ang sinabi ni Aga na ang In The Name Of Love na ang huli niyang pelikula?

"No. Gagawa pa rin naman ako kaya lang, you know, you'll never know, the last award I got was like, 2007.

"At saka hindi na ko nagpupunta. hindi na ko nakaka-attend kasi sa mga [awards night], hindi na ko makapunta so parang...wala lang.

"And as you get older, siyempre it gets harder [to get] projects also.

"Parang, 'What else?' Ano pa ba ang puwede kong gawing pelikula?