[x]

 

Together with other cast members, Alden Richards will attend the premiere of The Road on May 9 at L.A. Live in Los Angeles, California. The actor, who plays a psycho-killer in the GMA Films movie, says this is his first time to go abroad: "It's my first time to go out of the country and hopefully, mag-stay kami do'n for a week, I guess, so talagang ifu-full pack ko na 'yon. Excited, I'm very excited, kasi ang dami kong na-experience na first time since I started showbiz. First time ko nakasakay sa airplane, first time kong nakakapunta sa iba't-ibang lugar here in the Philippines, and now, by first week of May, I'm going to the States."

Photo: Melo Balingit

Nakasama ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden Richards ng isang buong araw noong ika-11 ng Marso, Linggo.

Sinubaybayan ng PEP ang young actor at ang buong schedule nito maghapon.

Isang matahimik, ngunit masayahing bata ang GMA-7 na aktor. Mabilis siyang nakapalagayang loob ng taga-PEP, sapagkat ito rin pala'y may tinatagong kakulitan.

Sa pag-uusap namin, unang ibinatong tanong sa kanya ay ang kanyang horror film na The Road na ipapalabas na sa ibang bansa.

"You know, at first we didn't expect that The Road would be that big, 'cause we just wanted it to be ano, to be appreciated locally by Filipino viewers.

"We're so blessed when GMA Films [was able to] sell The Road abroad. [It will be shown] commercially all over the U. S.

"So masaya, sobrang saya ko kasi napasama po ako do'n sa cast.

"I contributed, I made a little contribution to the film—and I'm just so happy," masayang paglalarawan ni Alden sa kanyang nararamdaman.

Dagdag pa niya, "Actually it's my first horror film and first time rin na it will be shown commercially abroad.

"Of course Direk Yam [Laranas], GMA Films, and the other cast—talagang sobrang happy kami and sobrang blessed kami na The Road is going places."

A LOT OF FIRSTS. Ibinahagi din ni Alden na first time niyang mag-out of the country.

Itong May 9, lilipad siya kasama ang ibang The Road cast para sa premiere nito na gaganapin sa L.A. Live sa Los Angeles, California.

Aniya, "It's my first time to go out of the country and hopefully, mag-stay kami do'n for a week, I guess, so talagang ifu-full pack ko na 'yon.

"Excited, I'm very excited, kasi ang dami kong na-experience na firsts since I started showbiz

"First time ko nakasakay sa airplane, first time kong nakakapunta sa iba't-ibang lugar here in the Philippines, and now, by first week of May, I'm going to the States."