[x]

 

Together with other cast members, Alden Richards will attend the premiere of The Road on May 9 at L.A. Live in Los Angeles, California. The actor, who plays a psycho-killer in the GMA Films movie, says this is his first time to go abroad: "It's my first time to go out of the country and hopefully, mag-stay kami do'n for a week, I guess, so talagang ifu-full pack ko na 'yon. Excited, I'm very excited, kasi ang dami kong na-experience na first time since I started showbiz. First time ko nakasakay sa airplane, first time kong nakakapunta sa iba't-ibang lugar here in the Philippines, and now, by first week of May, I'm going to the States."

Photo: Melo Balingit

DREAM ROLE. Sa sunud-sunod na proyekto ni Alden, ano ang kanyang dream role?

Ang sagot agad ni Alden, "Dream role? Siguro... Kasi 'yong dream role ko, nakuha ko na, e, The Road...psycho killer, that's my dream role."

Anito, "So far kung meron mang magbibigay sa akin na role na anything, e, siguro [yung] rich, I've never been rich in a soap or a project, lagi akong...

"Siguro 'yong Tween Academy pero hindi masyadong naging, hindi masyadong na-establish, e.

"Pero lagi akong mahirap, e, so sana Class A naman.

"Class A dapat, high end, puro ako iskwater, mahirap," natatawang sabi nito.

MATTERS OF THE HEART. Hindi naman nakaligtas si Alden nang kumustahin ng PEP ang lagay ng puso nito.

Biro niya, "Okay naman siya, ito nagha-heartbeat pa rin, labdab-labdab pa rin."

Sabay tawa niya at ng kanyang mga kasama sa sasakyan.

Pero paliwanag niya, "Pero no love life for now, siguro focus muna do'n sa mga projects.

"Kasi once nag-enter na ako sa isang serious relationship, another responsibility...it's another part of my life where I have to do something about it.

"Hindi ko pwedeng pabayaan kasi siyempre love 'yon, e, siyempre may partner ka.

"Pero parang mas more, I give more priority to my work now.

"Kasi since it's, it's ano pa... it's going well so far, do'n muna kung sa'n tayo may benefits."

HOLY WEEK. Tinanong din ng PEP kung ano ang balak gawin ni Alden sa darating na Holy Week.