Angel Locsin on Arnold Clavio's statement that Azkals members are not Filipinos because they grew up in a different culture; this could include her boyfriend Phil Younghusband: "Mas Filipino pa nga sa akin yun  kung tutuusin. 'Tapos hindi pala siya Filipino sa tingin ng iba. Ang sakit. Ang sakit lang. Huwag naman sanang gano'n."

Photo: Noel Orsal

Nanlalamig pa ang mga kamay ni Angel Locsin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang tanggapin kagabi, March 14, ang kanyang tropeyo sa pagkapanalo ng best actress para sa pelikulang In The Name of Love sa 28th Star Awards for Movies na ginanap sa Meralco Theater.

Pagkatapos ng kanyang acceptance speech ay dumiretso si Angel sa back stage kung saan siya nakunan ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Nanginginig pa ako!" bungad niyang bulalas."Kinakabahan po talaga ako buong gabi.

"Kahit no'ng nagpi-present ako [ng nominees sa Best Actor category] wala ako sa ulirat kasi ninerbyos talaga ako dito. 

"Kasi para po sa akin, ang gandang chance po nung In the Name of Love.

"Acting piece po, 'tapos yung istorya... sana-sana, yun po ang wini-wish ko," pagtukoy niya sa pangarap na makakuha ng acting award dahil sa pagganap sa nabanggit na pelikula.

"Pero nong nalaman ko kung sino yung makakasama ko [co-nominees] mga bigatin... Oh, my God! 

"Sila Ate Judy Ann [Santos], Ms. Ai-Ai [de las Alas], si Anne Curtis, si Ate Uge [Eugene Domingo]. Sabi ko parang, 'Kakayanin ko ba?'  

"Inisip ko na lang baka naman mero'ng...'I'ts a tie,' or sana may 'and' man lamang ako. Gano'n," masaya niyang kuwento kasunod ng pasasalamat niya sa Philippine Movie Press Club na siyang naggagawad ng Star Awards.

Magiging memorable raw kay Angel ang bago niyang award sa acting.

"Actually, pangalawang award ko pa lang po ito sa buong buhay ko. 

"Yung isa po sa TV at galing rin sa PMPC at heto po ay sa movies na galing rin sa PMPC kaya nagpapasalamat po ako."

EARLY BIRTHDAY GIFT. Itinuturing ni Angel na paunang birthday gift sa kanya ang natanggap na award.

"Oo nga po, sa 23 [April] magbi-birthday na ako.

"Saka natutuwa ako dahil itong year na ito pang-10 years ko na sa show business.