"'Tapos sinasabi ko, naalala ko na sana kung susuwertehin ako, 'pag inabot ako ng sampung taon, sana makakuha naman ako ng acting award sa pelikula.
"Kasi naalala ko yung dati pag nagti-teleserye ako, dalawang pelikula ang ginagawa ko, e.
"Kaya sinabi ko kanina na, 'Thank you for making my dream come true.' Kasi talagang dream come true ito," saad ni Angel.
Maliban sa ilang mahahalagang tao sa buhay at career ni Angel, kabilang siyempre si Phil Younghusband na siguradong padadalhan niya ng text message para ibalita ang kanyang pagwawagi.
Paglabas ng artikulong ito, natawagan o na-text na marahil nito ang kanyang boyfriend.
"Sasabihin ko sa kanya na, 'May trophy rin ako, ha? Akala mo 'kaw lang. 'Kala mo kayo lang!'" nangingiting sabi ng aktres.
Gustuhin man ni Angel na makasalo sa celebration ng kanyang pagkapanalo si Phil, nasa abroad pa raw ito.
"Sana nga po. Kaya lang uuwi pa lang siya, sa 21 [Abril] pa.
"Kasi 'di ba may laban pa sila sa Nepal. So, mga one month na rin yung alis niya.
"Sana. Sana...happy din ako para sa kanila doon," na ang tinutukoy niya ay ang pagwawagi ng team ni Phil sa laban nila abroad.
"Siyempre, nakaka-miss din," nakangiti niyang sabi ukol sa pagkawalay niya kay Phil.
Hindi raw nakikita ni Angel na magdudulot ng malaking pressure ang natanggap na award para sa susunod niyang mga proyekto.
"May award man o hindi para sa trabaho mo kailangan ibigay mo yung 110 percent mo.
"Itodo mo na kumbaga. Pero mas nakaka-inspire kung may nakaka-appreciate ng ginagawa mo.
"And mas magkakaroon ka ng lakas ng loob to explore different roles."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
246 angelthebest
245 MissHugoBacungan
244 angelthebest
243 angelthebest
242 angelthebest
241 cy2
240 toruo
239 kewlgirl
238 boloboy1000_diva
237 memayz
236 opinion_ko_to
235 toruo
234 pearl102
233 pearl102
232 rhapsody123
231 lovelike
230 number4
229 cy2
228 Pulmoll_0709
227 cy2
more comments