Habang nagtatagal ang aming panayam, hindi pa rin naalis ang panginginig sa kamay ni Angel dala ng saya sa pagkapanalo niya.
"Nanginginig pa rin ako, nandun pa rin yung nginig. Pero nakakangiti-ngiti na ako.
"Unlike kanina no'ng pagdating ko pa lang... kasi buong araw talaga akong ninenerbiyos. Kinakabahan ako.
"Gaya nga ng sinabi ko na umaasa ako na sana ma-appreciate yung talent, yung project.
"Kasi parang minsan ka lang mabigyan ng chance na mabigyan ng sobrang gandang pelikula na drama at magaling na director... I'm wishing talaga."
10th YEAR IN SHOWBIZ. Hindi pa makapagbigay ng kumpirmasyon si Angel kung kailan ang 10th year showbiz anniversary celebration niya.
"Umm, bini-verify pa lang namin exactly kung saan ako nagsimula noon.
"Like sa Click [youth-oriented TV show sa GMA-7].
"Ibe-verify lang kung anong month talaga. 'Pag na-verify na namin," paliwanag niya.
IN DEFENSE OF PHIL. Muli kontrobersiyal na naman ang grupong Azkals kung saan kabilang si Phil dahil sa mga batikos sa kanila ng GMA-7 news anchor na si Arnold Clavio.
Kinuwestiyon ng news anchor ang pagiging tunay na Filipino raw ng Azkals.
Hindi raw talaga mga Pinoy ang mga ito dahil lumaki ang mga sila sa ibang kultura kung saan sila nanirahan bago sila bumalik ng Pilipinas at naging miyembro ng national football team.
Ang inihaing sexual harassment complaint ni Match Commissioner Cristy Ramos laban sa dalawang Azkals na sina Lexton Moy at Angel Guirado ang nagbunsod kay Clavio para magpakawala ng maaanghang na statement laban sa buong koponan. (CLICK HERE to read related article)
Dahil doon nag-react sa kanyang Twitter account si Angel para ipagtanggol ang kasintahang si Phil Younghusband na member ng team.
Matagal nang sinasabi ni Angel na Pilipinung-Pilipino si Phil kahit nga lumaki ito sa ibang bansa kaya raw nasaktan ang aktres sa mga patutsada ni Clavio.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 gorgeous_aleck
5 ka_epal
4 PinkButterfly
3 tgif
2 watevah
1 lady_camila
more comments