"Ayun, kawawa naman, proud na proud niyang nire-represent ang Pilipinas...
"Mas Filipino pa nga sa akin yun kung tutuusin. 'Tapos hindi pala siya Filipino sa tingin ng iba.
"Ang sakit. Ang sakit lang. Huwag naman sanang gano'n."
"Filipino sila. Hindi naman sila makakalaban sa ibang bansa kung hindi sila Filipino.
"Saka kawawa naman yung mga kapwa natin na nasa ibang bansa kung yung tatay nila o nanay nila ay ibang lahi, ibig sabihin hindi sila Filipino?
"Huwag namang ganon. Iki-clear ko lang yung mga sinabi ko kanina, hindi po kami magka-away ni Sir Arnold.
"Wala pong ano... Tingin ko mabuting tao siya. In-express lang niya yung [kanyang opinion].
Sa pagkakaalam ni Angel pasok sa finals ang Azkals.
Pagmamalasakit daw at pagmamahal kay Phil ang nagbunsod kay Angel para ipagtanggol ang kasintahan.
"Ang hirap lang talaga na sinasabi ko kung ano yung nasa isip ko at mahirap rin na pumapatol ako sa isyu ng ibang tao lalo 'pag mahal ko.
"Pero 'pag isyu ko, usually, quiet lang naman ako," paliwanag niya.
NEW PROJECTS. Samantala, isang serye at dalawang pelikula ang naka-line-up nang gagawin ni Angel sa taong ito.
Yung isang pelikula ay makakasama niya raw sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga at Angelica Panganiban.
Samantala, wala pa raw final cast ang kanyang proyektong teleserye.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 gorgeous_aleck
5 ka_epal
4 PinkButterfly
3 tgif
2 watevah
1 lady_camila
more comments