Lovi Poe wants to concentrate on more film projects after winning the Best Supporting Actress award from the PMPC. Lovi was nominated in two categories, Best Actress for My Neighbor's Wife, and Best Supporting Actress for Yesterday, Today, Tomorrow. Before the winners were called, Lovi says she was really hoping to bag any of the two awards. "I know it's cliché, but yung ma-nominate lang, lalo kung mga magagaling na artista yung kasama mong nominees, parang masaya na ako do'n."

Photo: Noel Orsal

Halatang excited at masaya si Lovi Poe nang salubungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng Meralco theater kagabi, kung saan ginanap ang 28th PMPC Star Awards for Movies.

Dalawang nomination ang nakuha ni Lovi... Best Actress para sa My Neighbor's Wife, at Best Supporting Actress para naman sa Yesterday, Today, Tomorrow.

"I'm very thankful na kahit papano, 'yong performance ko sa mga ginawa kong movies last year, na-appreciate."

At that moment, hindi man siya nag-i-expect, aminado ang aktres na talagang nagwi-wish siyang manalo. 

DOUBLE NOMINATION. At hindi na raw mahalaga kung sa Best Actress o sa Best Supporting Actress category man siya palaring magwagi.

 "I know it's cliché, but... yung ma-nominate lang, lalo kung mga magagaling na artista yung kasama mong nominees, parang masaya na ako do'n.

"I can't ask for anything more than that."

Bihirang artista ang nagkakaroon ng double nomination during awards season.  Patunay na angat na angat na talaga ang kalibre niya bilang bagong usbong na mahusay na aktres.

"Naks!" napabungisngis si Lovi.

"Hindi naman.  Siguro inspired lang talaga ako.

"At nagpapasalamat ako sa tiwalang patuloy na ibinibigay sa akin, kada magandang project na gawin ko. 

"Happy at thankful naman ako about the roles na ibinibigay sa akin."

Saan ba siya humuhugot ng inspirasyon niya sa ngayon?

"Inspired lang ako sa trabaho ko.  And it's nice to do something na may maganda kang nakukuha.

"And...'yong inspirasyon ko comes from people who made me laugh at kahit from those who made me cry din.