Sam Concepcion gets his biggest break in the movie, I Do Bidoo Bidoo, where he is top-billed with big stars like Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla.

Last  Monday night at MYX Music Awards ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam Concepcion na isa sa mga nominado sa kategoryang Favorite Male Artist at Favorite Myx Celebrity VJ.

Kinamusta kaagad namin si Sam tungkol sa pelikulang sinu-shoot niya ngayon, ang I Do Bidoo Bidoo.

 "Okay siya, masaya.  Iba siyang movie. It's a musical.

"Gumagawa ka ng dialogue pero minsan, may pagka-music video. 

"Tungkol sa mga kanta ng Apo Hiking Society pero, kami ang kumakanta sa movie."

Kumusta siya sa set bilang anak nina Ogie Alcasid at Eugene Domingo na parehong mga komedyante?           

"Oo nga e. Sobrang saya na maka-trabaho ko sila!

"Just to be given an opportunity na makapag-trabaho ka with Ms. Uge [palayaw ni Eugene], Tito Gary [Valenciano], Kuya Ogie, Ms. Zsa Zsa [Padilla]... iba, e.

"Iba yung feeling. I feel really blessed, at malaking challenge talaga ang movie na ito para sa akin at sa mga stars.

"It was such a great learning experience; napu-push ko ang sarili ko to even further dedicate my time in putting words into the script and song.

"Yun... sobrang saya rin to be working with Direk Chris Martinez."

BIGGEST BREAK. Ayon kay Sam ito raw ang biggest break niya.

"Oo...masasabi kong biggest movie ito na ginagawa ko.

"The stars I am with tapos, directed by Chris Martinez pa. Ako pa ang bida as son. 

"Musical movie siya na hindi pa nagagawa. It's something new. Malaking project siya.