Sam Concepcion gets his biggest break in the movie, I Do Bidoo Bidoo, where he is top-billed with big stars like Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla.

"Sometimes I say to myself, nakaka-overwhelm, but thankfully with everyone's support, mas na-e-enjoy ko siya."

CONCERT WITH CHARICE. Sa huling concert ni Charice Pempengco sa Araneta Coliseum, isa si Sam sa mga naging guest nito.

Bukod kay Sam, nakasama rin nila ang ibang lumahok sa Little Big Star na pinagmulan nila ni Charice.

"Iba ang feeling noong nandoon ako sa stage. Tapos nandoon din si Ralph [Salazar] at Makisig [Morales].

Yung Little Big Star na batch [namin], kahit isang song lang siya, kahit isang mabilis lang na number, parang iba yung moment.

"And the moment was more para sa amin.

"Who would have thought na after nine, ten years, parang we'll be back na magkakatabi na ulit kami and singing a prod number.

"When I was singing, iba yung feeling. Ine-enjoy ko talaga!"

Isa si Sam sa nakakilala at nakasama ni Charice noong nagsisimula pa lamang. Maraming isyu kay Charice ngayon—nagbago na raw ito, yumabang o lumaki na ang ulo.

"Nagbago?  Siguro, kasi kapag sinabing nagbago, merong second, automatic connotation na negative.

"Nagbago—pero siyempre, with her status kasi, she has more challenges, responsibilities...

"Siguro when you're there, so many things are going on around you.

"It really takes a strong person to overcome things on that level. 

"So, marami siyang pinagbago as a person.

"I think, mas kilala na niya ang sarili [niya]. She's stronger.