[x]

Anne Curtis on her awful singing: "Kasi, totoo naman, e, hindi naman ako singer. 'Yon naman 'yon. Ate Lea made it clear naman that I never said that I was a singer."

Photo: Noel Orsal

Muling nilinaw ng TV host-actress na si Anne Curtis na walang problema sa pagitan nila ng international artist na si Lea Salonga.

Matatandaan na may lumabas noon na isang balita na inatake diumano ni Lea Salonga ang paraan ng pagkanta ni Anne.

Pero agad namang nilinaw ng kilalang Broadway artist na wala siyang partikular na tinutukoy sa sinasabi niyang mga kumakanta ng wala sa tono.

(CLICK HERE to read related article) 

Agad din namang humingi ng paumanhin ang naglathala ng balita, ang news website ng TV5, tungkol sa maling pagkakasulat ng kanilang balita.

Nang makapanayam ng media si Anne kahapon, Marso 15, naikwento muli niya na nagkausap na sila ni Lea tungkol dito.

Ang panayam ay naganap sa press conference ng bago niyang product endorsement na Cherry Mobile sa 55 Events Place, Scout Rallos, Quezon City.

Paglalahad ni Anne, "Nag-message siya [Lea] sa akin noong birthday ko [Pebrero 17].

"She greeted me. Sabi niya, 'First, Happy Birthday. Second, I'm so sorry.  I would never say anything that would offend [you].'

"She just said sorry for the whole hassle. But hindi naman siya nagso-sorry kasi wala naman siyang sinabing mali."

Ayon kay Anne, hindi naman daw siya nasaktan nang una niyang marinig ang balita.

Natatawa pa niyang sinabi, "Hindi naman talaga ako singer at sinabi naman talaga ni Ms. Lea 'yon.

"Performer ako, di ba? Kaya hindi talaga ako na-offend kasi hindi naman talaga ko singer."

IRRESPONSIBLE JOURNALISM? Para kay Anne, wala namang pagkakamali si Lea sa kanyang mga nasabi. Sa halip, nagkaroon daw ng pagpapabaya sa nagsulat ng balita.

Kwento pa niya, "Sabi ko, I know naman, Ate, no worries. I know it was irresponsible journalism.