Lovi Poe's career is blooming. She has been reaping acting awards and was recently featured in an international magazine. Lovi would have wanted to share her blessings and recognitions with her father, the late Fernando Poe Jr. "Kumbaga, siya naman ang rason kung bakit ako may sadness," she says.

 

Photo: Noel Orsal

"Hindi naman puwedeng i-throw away yung friendship na ganun-ganun lang. 

"Of course, it's so important that we remain friends."

"Nothing ano... kasi sobrang happy na ako na single muna, ganito lang muna.

"Focus muna dito habang hindi pa ako pagod."

Wala raw sa usapan nila ni Ronald kung kailan siya magiging ready na balikan ang kanilang relasyon.

"I don't wanna lock anyone up with me.  'It's up to you.'

"Hindi ko naman kailangang sabihin na, 'Mag-antay ka,' kusa na lang yun ng ibang tao."

Hindi itinanggi ni Lovi na nagpupursige naman si Ronald na iparamdam sa kanya ang intensyon nitong magkabalikan sila.

"Mabait naman talaga yung tao, hindi naman yun nawala sa kanya."

Pagpapatunay niya, hindi naman daw nawala ang communication nila ni Ronald.  

Hindi rin naman siya ang tipong bumibitiw kapag importante sa kanya ang isang kaibigan o minamahal.

"Of course, I'm always there for my friends."

GOING OUT, TALKING. Nasa "dating" stage raw ngayon si Lovi at hindi raw ito problema kay Ronald.

"Dating lang naman, hanging out with other people.  Okey lang naman, ganun... because I just wanna enjoy."

Hindi rin itinanggi ni Lovi na nagpunta sila ng mga Singson sa isang resort sa Cebu bago mag-Valentine's Day, kung saan nag-date at nag-usap sila.