Luis Manzano on settling down with girlfriend Jennylyn Mercado: "It's a lingering thought. Pero sa dami ng mga kailangan ko pang gawin, yun na muna ang aasikasuhin ko."

Photo: Allan Sancon

Gaano nga ba kasaya ngayon si Luis Manzano?

Sa takbo ng pakikipag-usap niya sa mga miyembro ng media kahapon, Marso 14, sa J. CO Donuts & Coffee launch sa SM Megamall B, marami ang nakapansin na kakaiba ang "kulit" at saya ng actor-TV host.

May dahilan naman kasing maging masaya ang host ng bagong Kapamilya Deal or No Deal.

Bukod sa magandang laban ng show ni Luis sa ratings war (CLICK HERE and HERE to read related story),  maganda rin kasi ang takbo ng kanyang love life.

Smooth na smooth ngang maituturing ang takbo ng relasyon nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado. Kaya tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ano pa nga ba ang kulang kay Luis?

"Kasama sa bucket list ko—lalaban pa 'ko sa UFC," pabirong sagot ni Luis na tinawanan naman ng mga kausap.

Ang UFC o Ultimate Fighting Championship ay ang mixed martial arts (MMA) promotional company at sports show na base sa U.S.

Si Luis ay isang fan at practitioner ng sports na MMA.

"Hindi," bawi ni Luis. "Honestly, what the future holds for me, I'm excited to find out.

"I'm clueless, yet excited.

"I have mapped out my future, but I still want life to surprise me," seryosong sagot ng actor-TV host.

SETTLING DOWN? Dahil sa maganda ngang takbo ng love life ng panganay nina Batangas governor Vilma Santos-Recto at Game 'N' Go host na si Edu Manzano, tinanong tuloy si Luis kung may plano na ba siyang lumagay sa tahimik.

"You know, I'm 23..."

Pagkasabi nito'y nagtawanan ang mga kausap lalo na ang nagtanong sa kanya.

"Ba't tumawa ka?" tanong ng mapagbirong aktor sa press member na nagtanong sa kanya.