Luis Manzano on settling down with girlfriend Jennylyn Mercado: "It's a lingering thought. Pero sa dami ng mga kailangan ko pang gawin, yun na muna ang aasikasuhin ko."

Photo: Allan Sancon

NEW COMEDY MOVIE. Nabanggit na rin lang ang movie projects, tinanong na rin si Luis tungkol sa ginagawa niyang pelikula na Moron 5 and the Crying Lady.

"Patapos na. Sa April 7, ipapalabas na. Kasama ko sina Bily Crawford, Mart Escudero, Marvin Agustin,  DJ Durano, si Sweet [John Lapus], kasi Moron 5 and the Crying Lady. Si Sweet ang Crying Lady."

Kuwento pa ni Luis tungkol sa kanyang pelikula, sa sobrang talino raw ng mga character nila nina Billy ay nagiging bobo na sila.

"Ang dami naming pagdadaanan bilang magkakaibigan.

"May mga moments of genius kami na bumo-borderline sa pagiging not so smart," dagdag pa ni Luis sa kanyang bagong comedy movie.

KAPAMILYA DEAL OR NO DEAL. Tungkol naman sa show niyang Kapamilya Deal or No Deal, tuluyan na raw nawala ang pressure ng pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Kris Aquino bilang bago at nakaraang hosts ng show.

Pero aminado si Luis na hindi naman talaga galing sa ibang tao ang pressure na naramdaman niya, kundi galing din naman sa sarili niya.

"Yung pressure kasi, nanggaling sa akin. Pero ang initiative ng management sa akin is, 'We want Luis. We got Luis. We want to see Luis.

"'You know, for the longest time, si Kris ang kasama namin. Pero this time we want a whole new flavor na manggagaling sa iyo.'

"So, yung pressure na iyon, ang aspeto ng pressure, natatanggal kasi ako na iyon, e," pagpapatuloy ni Luis.