"Hindi, kasi yun na lang ang free day ko. So, pinili ko na lang na ayoko nang gumising ng 9:00 a.m. every day," says Anne Curtis on why she left the Sunday musical-variety show ASAP.

Photo: Noel Orsal

"Pero no complaints. Ginusto ko ito, di ba? Sobrang happy lang."

Maayos at tahimik din ang lovelife niya?

"Oo, masaya. Masaya ako!

"You know, 2011 was an amazing year for me... 2012 is looking great. It's amazing."

THE RIGHT MAN? Hindi kaya siya nagtatrabaho nang husto dahil nagpaplano na siyang magpakasal sa kasintahang si Erwan Heussaff?

"Walang plano. Ayoko ngang planuhin yun,di ba? 

"But you know, if it's the right time and if it's the right person... and  if I know that I'm ready and responsible enough to handle that, why not?" sabi ni Anne.

Hindi pa ba si Erwan ang right person for her?

"Ay, ayoko ngang mag-claim ng ganyan dahil masakit 'pag hindi nangyari, di ba? Alam natin 'yan. 

"So, right now, I'm happy with the right things going."

Paano niya naisisingit ang lovelife sa dami ng kanyang ginagawa?

"Uhm, umi-effort. Kailangan ninyong gumawa ng way kahit paano.

"It if means he visits me or i-effort ko na hindi magwu-work ng Sunday... talagang Sunday yung free day!" natatawang sabi ni Anne.

Kung ganoon ay baka dapat ngang sabihin ni Anne that Erwan is the right person at this moment?

"Everything is falling into place in all aspect of my life and I'm very, very happy," sambit ng Kapamilya actress.