Matagal nang napabalita na sumama umano ang loob ni Sharon Cuneta (main photo) nang hindi suportahan ni Senator Tito Sotto (left, inset) ang kandidatura ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan para maging Senate President. Si Tito Sotto ay asawa ni Helen Gamboa (right, inset) na tiyahin ni Sharon, at si Kiko Pangilinan naman ay asawa ni Sharon.

 

 

 

Photo: Noel Orsal

"My prayer is, since nailabas ko na rin ang niloloob ko, sana di na magtagal ang hidwaang pamilya. Sana malagpasan namin ang pagsubok na ito na nakakahiya."

Ito ang kontrobersiyal na pahayag ni Sharon Cuneta sa social networking na Twitter ngayong gabi, March 16.

Senyales ng pahayag na ito na hindi pa nga tapos ang hidwaan sa pagitan ng pamilya ni Sharon at ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa.

Nabuhay ang kontrobersiyang ito noong mga nakaraang araw dahil sa mga panayam nina Sharon at Helen na nalathala sa Philippine Star.

Si Sharon ay anak ni Elaine Gamboa-Cuneta, na kapatid ng beteranang aktres na si Helen.

Matagal nang napabalita na sumama umano ang loob ni Sharon nang hindi suportahan ni Senator Tito Sotto ang kandidatura ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan para maging Senate President.

Si Tito Sotto ay asawa ni Helen, at si Kiko Pangilinan naman ay asawa ni Sharon.

Noong 2010 naganap ang pagnanais ni Senator Kiko na maging Senate President. Ngunit hindi siya ang sinuportahan ni Senator Tito kundi si Senator Juan Ponce Enrile, na Senate President pa rin hanggang ngayon.

Dahil daw rito ay sumama ang loob ni Sharon sa kanyang tito. Sa isang panayam para sa 24 Oras, binanggit ng Megastar na mas nasaktan siya dahil kapamilya niya ang actor-turned-politician.

"Kasi parang mayroon ng 11 [senators] na naniniwala sa asawa ko, na ready to support. Ang alam ko meron lang ibang dahilan kung bakit hindi siya masu-support ng uncle Tito ko.

"Masakit lang sa 'kin kasi kung sino pa yung malapit na malapit, magkakamag-anak, we're family, so parang pati family hindi dapat nai-involve. As much as possible ayokong ma-involve," saad ng Megastar.

Pahayag naman ni Senator Sotto, nagkausap na sila ng kanyang pamangkin.

"Binanggit ko nga na mayroon akong mga kausap dati at may mga kaibigan ako na tumulong sa akin dati na hindi ko naman basta puwedeng talikuran," aniya.

Matapos nito ay wala nang narinig ang publiko tungkol sa tampuhang ito.

ISSUE NOT OVER. Ngunit hindi pa pala tapos ang isyu. Nagulat ang marami nang magbigay si Sharon ng pahayag na naging senyales na hindi pa naresolba ang sigalot, sa isang panayam sa nasabing pahayagan, na inilathala noong March 11.

 

Sa kolum ni Wilson Lee Flores sa lifestyle section ng nasabing broadsheet ay ibinigay ni Sharon ang kanyang mga opinyon tungkol sa pulitika sa Pilipinas.