news

Maricel Soriano and former househelps settle maltreatment claim

by Erwin Santiago posted on March 17, 2012  STATS: 2143 Views | 70 Comments

 

Almost a year after filing a maltreatment complaint against actress Maricel Soriano, May Cachuela and Camille Acojedo have agreed to end their rift and reconcile with their former employer.

Photo By: File photo

Nagkaayos na ang aktres na si Maricel Soriano at ang dalawa nitong dating mga kasambahay.

Matatandaang inireklamo nina May Cachuela at Camille Acojedo si Maricel ng pangmamaltrato noong nakaraang taon.

Unang dumulog sina Cachuela at Acojedo sa programang Isumbong Mo Kay Tulfo ni Mon Tulfo para ireklamo ang nangyari sa tahanan ng aktres sa Rizal Tower ng Rockwell sa Makati City noong gabi ng June 29, 2011.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagsumbong din ang dalawang kasambahay sa Barangay Hall ng Poblacion sa Makati City.

Nagkaroon ng mga pagdinig o clarificatory hearing sa naturang Barangay Hall para sa physical-abuse case na inihain nina Cachuela at Acojedo ngunit hindi sumipot ang Diamond Star.

At pagkatapos ng halos isang taon ay nagkaroon na ng kasunduan ang magkabilang kampo.

Sa magkasamang salaysay na inilabas ng magkabilang kampo, sa pamamagitan ng opisina nina Vic del Rosario, Jr. at Shirley Kuan, ay "minabuti na nila na magkasundo at tapusin na ang hidwaan na namagitan sa kanila."

Ito ay matapos mapagtanto ng magkabilang partido na "ang naganap na insidente ay isa lamang hindi pagkakaintindihan ng mga partido dahil sa bugso ng kani-kanilang damdamin."

JOINT STATEMENT. Narito ang kabuuang magkasamang salaysay ng kampo ni Maricel Soriano at nina Cachuela at Acojedo:

"Noong ika-29 ng Hunyo 2011 ay nagkaroon ng isang hidwaan sa pagitan nina Gng. Soriano at Bb. Acojedo at Bb. Cachuela.  Dahil dito ang magkabilang partido ay nagkasamaan ng loob at ito ay naging bunga para sa pagrereklamo nila Bb. Acojedo at Bb. Cachuela kay Gng. Soriano sa piskalya ng Lungsod ng Makati. 

"Dahil sa tulong nina Mon Tulfo at Congresswoman Bagasina ng ALE Partylist, ang mga partido ay nabigyan ang bawa't isa ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang mga saloobin sa pangyayari sa isa't isa. Dito natanto ng lahat na ang naganap na insidente ay isa lamang hindi pagkakaintindihan ng mga partido dahil sa bugso ng kani-kanilang damdamin. Matapos ang mapayapa at maayos na pag-uusap ng mga partido, minabuti na nila na magkasundo at tapusin na ang hidwaan na namagitan sa kanila. 

"Pinili ng mga partido na makipag-kasundo sa isa't isa at kalimutan na lamang ang kung anumang nangyari at bigyan halaga ang matiwasay na muling pagkakasundo nila. 

"Nagpapasalamat sina Gng. Soriano, Bb. Acojedo at Bb. Cachuela sa tulong nina Mon Tulfo at Congresswoman Bagasina sa pagkakataong ibinigay sa kanila para matapos na ang kanilang hidwaan at magkabati na muli."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

70 Comments

  • 70  imwatim

    03/22/2012 | 02:36 PM
    Maricel has been consistent simula bata pa siya. Roderick Paulate aid in an interview with Boy Abunda sa Cinema One na nagkaroon sila ng matinding tampuhan ni Maricel. That time was the peak of their popularity and super super close sila. Maricel and he opted to rent a boat sa may Batangas and silang dalawa lang and the boatman. Pinatigil ang boat sa gitna ng laot near a deserted island, pinakiusap na pumunta sa island ang boatman at iwan muna sila. At dun sila nagsigawan at naglabas ng sama ng loob sa isa't isa. So the press never ever knew they had a fight. She values her privacy. Makikita naman sa photo - sincere ang reconciliation na ito. I believe her statement through her lawyer last Oct - inamin na namura ang mga maid dahil galit siya pero NEVER niya itong pisikal na sinaktan. No medical evidence can prove that. Pareho lang nadala sa bugso ng damdamin ang 2 partido. We all have been thru that na sometime in our life. Minsan napagalitan tayo ng mahulang, boss o teacher natin. At that point in time, a
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  winged_angel

    03/22/2012 | 02:10 PM
    I think Maricel handled this quite well. She does not court attention. IN short, hindi KSP. SHe is private and mostly keeps to herself. I remember what WIllie Revillame once said, nung sila pa ni Becbec, and they had nothing, the very young Maricel would give them money for their needs and would pay for their apartment na walang panunumbat at walang tanong-tanong. Maricel has always been very generous and gracious. Di kagaya ng iba diyan, nuknukan ng kaplastican at pagka KSP, kesehodang pati sa kamag-anak makipag-bangayan. Exaggerated and sumbong nung dalawang katulong for sure. Kita niyo naman, pati si Tulfo at yung mga epal na pulitiko tumiklop agad. Paano kasi napagtanto sa fiscal pa lang na walang kapupuntahan ang kaso kasi exagg lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  endot

    03/21/2012 | 04:39 PM
    yahoo! money does it again! At iyung dalawang katulong mga mukhang pera! Nagpapataas lang pala ng presyo! dati halos magpakamatay sa pagsasabi na never silang magcocompromise! Mga mukhang pera!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  Xray

    03/21/2012 | 12:59 PM
    Fine, settle the case pero huwag nang bumalik at manilbihan dun dahil baka this time, hindi lang i-harap ang baril sa inyo, paputukin na talaga ito!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  septembersapphire

    03/20/2012 | 11:31 PM
    You cannot blame the maids if mag accept sila ng money to settle the case. They are poor individuals who need to support their families with this money collected. But the real lesson is, even artista ka like Maricel, you do not have the right to maltreat kahit servants at sinuswelduhan mo yan. We know you have been hgoing through rough mental issues like sharon na sobrang bitter ngayon. Ganun naman talaga pag once naging sikat, nagkakaroon ng crisis later on in their career..thats understandable.. But next time, do not resort to violence sa mga katulong or maging scapegoat sila sa angst mo sa life mo... Sa mga maids naman , u cant blame them for accepting money and its good nagsumbong sila at nireport nila to para di na maulit at matakot na ang mga abusado sa pag maltrato
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  johnjoshuajeremydin26

    03/20/2012 | 10:56 PM
    SANG KORTE BA ANG kaso??? NASAN ANG MATATALINONG NAGSABI NA MAY KASO? ANONG COURT FILE NUMBER?? OB OBS TALAG NAGMAMAGALING..KAYA NGA MAY MEDIATION NA NAGAGANAP EH..BARANGAY LEVEL AT KUNG ANIK ANIK PA LANG......MAY LAWYER BA NA NANDITO SA PAGBBATI NILA??? HMMMP...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  johnjoshuajeremydin26

    03/20/2012 | 10:52 PM
    si TULFO, gusto nya maikipagayos at makipag usap si Maria sa kanya..feeling pogi hahah...Gusto lang nya maging ,malapiyt kay Maria sabi pa nga nya tutulungan daw nya si Maria.......Its all in good timing.Never ka nasusuong sa isang bagay na lam mo talo ka lalo na huhusgahan ka ng mga tao na hindi naman alam ang puno't dulo..Ikaw ba naman umattend sa barangay level..eh di pagakkaguluhan ka nga at ano gagawin ng media?? isip isp ok??.......ganito estado ng nagyari s aiyo tapos s alevel ng barangay kukuhant ka ng pci at scoop ng tabloid..E h DI parang FIESTA CARNAVAL?? isip isp hahaha...ANG MAGANDA LUMABAS SYA NG PERSONAL FRO THE FIRST TIME...AYUN TAPOS NA KAAGAD ...ANG GALING GALING ..YAN ANG MAY CLASS .............
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  johnjoshuajeremydin26

    03/20/2012 | 10:46 PM
    wla namang kaso naifile..at never magbabayad si Maricel sa kanila , ano sila bale..Pagkatapos manakawan si maria pa masama?? ang point dito, sakit lang din sa ulo kung hindi na magkakaayos...ITS just pride and humilty ng bawat isa..ano ba ang dapat?? Peace or war?? pride or humility???? Kaya wag na kayo magtalo na kailngn ni maria ang humingi ng twad kasi unang una nasaktan din sya sa pagtitiwlaa na hindi naman naibigay at pinahalganahn ng mga katulong. AT isa pa..labna nila yun both side...hindi nila kailagan ng OIPINYON nyo kung sino ang tama at mali....dahil sa punto ng bawat isa ..sila ang tama..PERO maria has the right to fight for her property and whatver.....so andali manghusga sa mayaman at mataas kasi ayun lagi ang SCRIPT di ba?????so umabot ng isang taon sila..SO very good isang beses lang nagpaunlak si Maria then ayos na......That's a good one hahhahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  sojourner_70

    03/20/2012 | 12:19 AM
    Glad to know that this is settled amicably. Now, inay can focus on her career and the helpers can move on as well. HAIL TO THE QUEEN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  lotwina

    03/19/2012 | 08:17 PM
    pasalamat na lang si maricel at tinanggap pa nung 2 ang pagsori nya kahit pinatagal pa nya dahil sa sobrang takot nya sa sarili nyang multo, wahahah, masyado kasing mapagmataas e susuko din pala sa bandang huli..pasalamat sya kay tulfo at pinagkasundo pa sila alang alang sa ilang tao, At pasalamat sya ng malaki kay boss vic at tinutulungan pa syang pabanguhin pa kung sakaling babango pa ang UMAALINGASAW nyang imahe.Dapat syang magparehab pa para tuluyan na syang gumaling at magartista uli kahit hindi naman sya kawalan sa showbiz. magada rin ang nangyari at kahit papaano ay may LEKSYON ng natutunan ang babaeng MATAPOBRE, napagtanto nya na FLOP na sya lagi at kulelat na. Yun nga lang nakatatak na rin nyan sa utak ng mga tao ang kasamaan nya. Self control na lang next time, pag inatake ng pagkaTOPA KIN sabunutan na lang ang sarili.aahahah.. O sya sige ipagpatuloy nyo na ang rivalry nyo ni snooky serna, sya naman talaga ang kalevel mo mula noon hanggang ngayon .ahahahbwahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  lotwina

    03/19/2012 | 08:02 PM
    .. isa pa, ang mga pinapatulang reklamo lang ng mga tulfo ay yung mga napatunayan na nila na nangyari talaga, gaya nyan paulitulit na, kaya dapat ng kalusin. ikaw na isang fanchita lang ni maricel at wala talagang alam sa totoong nangyari ang magsasabi na hindi ganon si maricel? Bakit kasama ka ba nya sa bahay nya? Mabuti nga at dahil sa lakas ng loob ng katulong at sa tulong ni tulfo ay nalaman ng tao ang kasamaan ng ugali ni maricel. Iba ang pinapakita nya sa loob at iba rin sa labas ng bahay no, yan ang tunay na PLASTIKADA , buti nabuking. bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  lotwina

    03/19/2012 | 07:57 PM
    hoy mga hungasis na fanchitas ni taray, gaya ni tulfo galit talaga ako sa mga mapang api at matataray na wala sa lugar gaya ng topa king si maricel. at sino kaya ang nagiimbento ng kwento dito kundi mga iilang fanchita nya lang naman dito. Syempre dahil idol mo yan naging bulag ka na sa katotohanan, at magiimbento ka ng mga kwento at ililihis mo pa ang storya para lang ipagtanggol mo yan, mali ang pagkunsinti, sus ano ba naman tong fanchita na to at kelangan ko pang turuan. Pati mga ebidensya, medical at mga statement ng witnesses tinatanggi mo pa kahit naproved naman na meron talaga ayon sa kampo nina tulfo, wala sa image nila ang magsinungaling dahil iniimbestigahan agad nila yan. kaya B OBO lang talaga ang magsasabing walang ginawang masama si taray gaya ng sinasabi mo aling lawrenzo, dahil nga mga bulag at bingi na kayo sa pagtatanggol sa maling gawa. Isa pa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  thirstytrooper

    03/19/2012 | 03:16 PM
    goodluck sa pagbabalik TV miss maricel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  lawrenzo

    03/19/2012 | 04:19 AM
    Pero Ginang tgalaga si Maricel lol! Bb Soriano dapat lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  lawrenzo

    03/19/2012 | 04:17 AM
    Saka Aling Lotwina, hindi po pambubogbog ang unang reklamo. Tungkol sa sahod ito at di si Maricel ang may problema dahil may nagpapasahod for her. Ayon kay Camille at May, meron silang advance kahit 2 weeks pa lang sila. Bago ka tumira, alamin mo muna, wag magimbento kakahiya kasi ang ganyang klaseng opinion lol! Juiceko.. ka level mo lang talaga ang mga katulong.. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  lawrenzo

    03/19/2012 | 04:13 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  imwatim

    03/19/2012 | 03:44 AM
    Naku lotwina ang laki ng galit mo kay Maricel Soriano baka atakihin ka niyan. She is not perfect and never claimed to be. She is not a saint and she never claimed to be. She is mataray and that she admits simula teenager pa siya. She made mistakes in her life and is not ashamed to admit that. Now she is trying to set things right with the people she offended. What is wrong with that picture? She deserves another chance. Everyone does. And besides who knows what is the truth here? Pero correction lang sa facts mo the case never reached the court and the medical evidence meron nga ba? Maricel's lawyers in their statement said wala. Kung sa mga naoffend ok na nga sila eh. But I understand you - I remember your username kahit ano pa ang gawin ni Maricel Soriano you will always hate her d b?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  lotwina

    03/19/2012 | 03:29 AM
    No.30 kardashians tama ka, kaya paulit ulit na lang at hindi naturuan ng leksyon ang malditang yan e. patunay na sa mundo gaano man kasama ang ugali mo basta mapera ka at maimpluwensya lagi kang makakalusot sa kataran taduhan mo. ahahay.. no.38 –correct, napatunayan ni mader lily na pag isinali si maricel sa movie nya siguradong FLOP at KULELAT, nakarma na si bruhilda. bwahahaahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  lotwina

    03/19/2012 | 03:22 AM
    No.33, I agree, 2nd time na syang naireklamo sa pambubugbog ayon mismo sa barangay, at may mga rehab, basement issues pa itong babaeng ito. sana naturuan ng leksyon yan. Kawawa ang mga katulong na nagtrabaho lang para sa kakarampot na kita na ipinadadala pa sa magulang sa probinsya, nagkatrauma pa dahil sa ginawa ng isang walang kwentang t opakin. ahaahahay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  lotwina

    03/19/2012 | 03:18 AM
    B obo lang ang magsasabing wala talagang kaso. Gumana lang dyan ang impluwensya ng ilang may sinasabi sa showbiz gaya ni mader lily at vic delrosario ng viva at ng tv5 kung saan naroon ngayon ang mga tulfo. Nagkaroon dyan ng pakiusapan. Noon pa naman sinabi na ni tulfo na pwede nyang pagayusin ang dalawa dahil sinabi ng mga kawawang katulong na magsori lang sana si to pak para mawala man lang ang trauma na ginawa sa kanila ni t opak. Ang kaso kung sino pa yung may kasalanan sya pa ang nagmamatigas, kaya tinuluyan nilang kasuhan, dahil kumpleto sila sa ebidensya with medical, kaya inilaban din yan ng isang grupo ng kababaihan. Malamang nagmakaawa si t opak sa bandang huli, alam din kasi ng kampo nya na habangbuhay ng nakatatak sa pagkatao nya yan lalo na at narehab pa at kung hindi sya makikipagayos sa mga nasaktan nya. At syempre kung walang closure yan, habangbuhay na ring pandidirihan ng mga tao ang bulok na ugali nya at lagi na lang syang FLOPSINA QUEEN, ayaw ni boss vic sa isang LA OS at mabaho sa takilya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About