news

Maricel Soriano and former househelps settle maltreatment claim

by Erwin Santiago posted on March 17, 2012  STATS: 2142 Views | 70 Comments

 

Almost a year after filing a maltreatment complaint against actress Maricel Soriano, May Cachuela and Camille Acojedo have agreed to end their rift and reconcile with their former employer.

Photo By: File photo

Nagkaayos na ang aktres na si Maricel Soriano at ang dalawa nitong dating mga kasambahay.

Matatandaang inireklamo nina May Cachuela at Camille Acojedo si Maricel ng pangmamaltrato noong nakaraang taon.

Unang dumulog sina Cachuela at Acojedo sa programang Isumbong Mo Kay Tulfo ni Mon Tulfo para ireklamo ang nangyari sa tahanan ng aktres sa Rizal Tower ng Rockwell sa Makati City noong gabi ng June 29, 2011.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagsumbong din ang dalawang kasambahay sa Barangay Hall ng Poblacion sa Makati City.

Nagkaroon ng mga pagdinig o clarificatory hearing sa naturang Barangay Hall para sa physical-abuse case na inihain nina Cachuela at Acojedo ngunit hindi sumipot ang Diamond Star.

At pagkatapos ng halos isang taon ay nagkaroon na ng kasunduan ang magkabilang kampo.

Sa magkasamang salaysay na inilabas ng magkabilang kampo, sa pamamagitan ng opisina nina Vic del Rosario, Jr. at Shirley Kuan, ay "minabuti na nila na magkasundo at tapusin na ang hidwaan na namagitan sa kanila."

Ito ay matapos mapagtanto ng magkabilang partido na "ang naganap na insidente ay isa lamang hindi pagkakaintindihan ng mga partido dahil sa bugso ng kani-kanilang damdamin."

JOINT STATEMENT. Narito ang kabuuang magkasamang salaysay ng kampo ni Maricel Soriano at nina Cachuela at Acojedo:

"Noong ika-29 ng Hunyo 2011 ay nagkaroon ng isang hidwaan sa pagitan nina Gng. Soriano at Bb. Acojedo at Bb. Cachuela.  Dahil dito ang magkabilang partido ay nagkasamaan ng loob at ito ay naging bunga para sa pagrereklamo nila Bb. Acojedo at Bb. Cachuela kay Gng. Soriano sa piskalya ng Lungsod ng Makati. 

"Dahil sa tulong nina Mon Tulfo at Congresswoman Bagasina ng ALE Partylist, ang mga partido ay nabigyan ang bawa't isa ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang mga saloobin sa pangyayari sa isa't isa. Dito natanto ng lahat na ang naganap na insidente ay isa lamang hindi pagkakaintindihan ng mga partido dahil sa bugso ng kani-kanilang damdamin. Matapos ang mapayapa at maayos na pag-uusap ng mga partido, minabuti na nila na magkasundo at tapusin na ang hidwaan na namagitan sa kanila. 

"Pinili ng mga partido na makipag-kasundo sa isa't isa at kalimutan na lamang ang kung anumang nangyari at bigyan halaga ang matiwasay na muling pagkakasundo nila. 

"Nagpapasalamat sina Gng. Soriano, Bb. Acojedo at Bb. Cachuela sa tulong nina Mon Tulfo at Congresswoman Bagasina sa pagkakataong ibinigay sa kanila para matapos na ang kanilang hidwaan at magkabati na muli."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

70 Comments

  • 10  imwatim

    03/17/2012 | 01:55 PM
    CMonTryMe I hope she is able to work with new directors with fresh styles like Jeffrey Jeturian or Cathy Garcia Molina or other visionary indie directors . Her Inang Yaya was superb portrayal where she was handled for the first time by Pablo biglang Awa and Veronica Velasco. She delivers a fresh approach to a role pag kakaiba rin ang story material at pagkakadirek. Wish you luck Marya nakakamiss ka na rinng panoorin at makita sa TV at sinehan in a really good project.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    03/17/2012 | 01:37 PM
    pag nakikita ko c maria..naalala ko sa kanya my ubi cyang kulay na puso..hahahaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • CmonTryMe

    03/17/2012 | 01:31 PM
    Maricel is probably the most versatile actresses around. Very few actresses can make the successful shift from comedy to drama and back. I hope she really buckles down to clean up her act, collaborate with a director with a vision, and steer away from formulaic acting projects. Lahat naman nadadapa. Sayang na sayang sha pag nagkataon. Wish her the best.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • johnjoshuajeremydin26

    03/17/2012 | 12:16 PM
    at isa pa..itong si snooky ..wag sna sya painterveiw ng painterview about maria eh hindi naman pala sila nagakakusap matagal na...lagi wag naman sana ..wag nman sana ...parang concerned ang labas pero parang nagpapababa pa mismo , or parang paninira na subtle ang labas..Come on.kayangakya ni maricel ang pagsolve at proper timing...Maricel sikat yan , wga makisawasaw sa kasikatan itong mga nakikiclose na hindi naman alam current status
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • johnjoshuajeremydin26

    03/17/2012 | 12:03 PM
    Very good..wala namang talagang kaso..Maricel is a good person, wag lang talagang lolokohin at ooportunistahin..and by the way..walang MAGKANO dito..kasi alam nya na hindi talaag sya mapeperahan...Nice one Maricel..you really cant put a good woman down like her.Nagkaayos ng wlang pera how nice hehehehehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    03/17/2012 | 11:46 AM
    Media lang nagpalaki nito. Eksaherado. Bakit ang PEP hindi binalita ang pagfile ng complain ng PFF against ARnold Clavio's racial slur? Hmmmmm BAKIT PEP? Walang kinikilingan ba kamo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    03/17/2012 | 11:42 AM
    No comment na lang ako sa issue kase mahirap pumanig sa isa man sa dalawang panig.Ang importante nagkaayos na at na settled na kung anuman ang naging problema ng dalawang sides.Sana maging busy na ulit si Ms.Maricel Soriano.Dapat matuloy yung movie nila ni Roderick Paulate na comedy.Matagal na din na walang comedy movie si Maria.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • april_lyn05

    03/17/2012 | 11:27 AM
    i am still a diamond star fan.... you can never put a good person down...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • knightkrawlers0

    03/17/2012 | 11:02 AM
    how much
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • imwatim

    03/17/2012 | 10:50 AM
    I knew it. Isa ito sa mga sigalot na napalaki lang talaga sobra ng media. Kung hinayaan na lang dati ay nagkasundo na dapat ang mga ito dati pa kaso laging may nakaantabay na media sa baranggay. Most of us ay mga insidenteng nakaaway ang mga kasambahay natin pero di nga lang tayo mga artista na pgpipiestahan ang mga buhay at nagiging exagerrated ang mga istorya. Salamat naman just in time sa Lenten Season ang pagpapatawaran.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About