Rocco Nacino on winning his first acting award: "[I'm] really, really happy and I take this to be a motivation. I take this to be an inspiration and motivation for me to be better sa craft ko."

 

Photo: Noel Orsal

Mahigpit ang naging pagkakayakap ni Rocco Nacino sa kanyang ina na si Linda Nacino matapos tawagin ang kanyang pangalan bilang nanalo sa kategoryang New Movie Actor of the Year sa 28th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ginanap ang awards night noong Miyerkules ng gabi, March 14, sa Meralco Theater, Pasig City.

Kinilala si Rocco para sa kanyang lead performance bilang si Dennis, isang latent homosexual, sa Cinemalaya 2011 entry na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa ni Direk Alvin Yapan.

Ano ang damdamin ng isang baguhang aktor ilang sandali pagkatapos tawagin ang kanyang pangalan bilang nanalo?

"Gusto ko pong maiyak, e, nung niyakap ako ni Mommy!" marahang sambit ni Rocco nang makapanayam siya ng PEP sa backstage ng venue.  

"Gusto ko pong maiyak pero 'buti napigilan ko.

"Ayaw ko pong maiyak kasi baka magsalita ako, katulad kay Jillian!" natawa ang Kapuso actor pagkabanggit niyon.

Ang tinutukoy niya ay ang naunang pagtanggap ng award at pagtatalumpati, na may matinding pag-iyak, ng nanalong child performer na si Jillian Ward para sa horror movie na Aswang.

"Ang cute! Ang cute!" sabi pa ni Rocco tungkol Jillian.  

"A, siguro pagka ako gano'n, hindi cute 'yon!"

Dagdag pa niya, "[I'm] really, really happy and I take this to be a motivation.

"I take this to be an inspiration and motivation for me to be better sa craft ko."

Hawak ang kanyang unang napanalunang Star trophy, larawan ng kasiyahan ang StarStruck alumnus, pero hindi niya ito masyadong ipinapahalata.

May nakalimutan bang pasalamatan si Rocco sa kanyang thank-you speech?