Rocco Nacino on winning his first acting award: "[I'm] really, really happy and I take this to be a motivation. I take this to be an inspiration and motivation for me to be better sa craft ko."

 

Photo: Noel Orsal

"Of course, God. At yung buong production [ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa]. My family po, na sumusuporta sa akin.

"Of course, sa GMA, sa pag-aalaga sa akin.

"Salamat po. Maagang birthday gift ito sa akin!"

Magdiriwang ng kanyang 25th birthday si Rocco sa March 21.

HUMBLED. Hindi pa man lumalabas ang nominasyon para sa 28th Star Awards for Movies ay nagmarka na ang husay na ipinamalas ni Rocco sa kanyang unang pagbibida sa pelikula.

Tatlong pelikula ang nilabasan ni Rocco noong 2011.

May cameo role siya sa My Valentine Girls ng GMA Films; gumanap siyang kapatid ni Judy Ann Santos sa My Househusband; at unang lead role niya ang Cinemalaya entry na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

"Nakaka-humble po at... it's something really flattering," sabi ni Rocco sa isang punto ng interview. 

"Pero siyempre, I wouldn't want that to get into my head.

"Ayoko pong maging kampante sa craft ko, so I take that as a tool para lalo pong ma-improve yung acting ko.

"Iniisip ko lagi na I was here to criticize myself at kung ano'ng ipinapakita ko, I can do something better."

Dahil sa kanyang achievement, si Rocco na nga ba ang bagong bibigyan ng matinding buildup ng Kapuso network?

"Sana po, nasa plano 'yon. Very grateful po ako kung matutuloy 'yon.

"May nasabi na po sa aking isang follow-up soap kaso hindi ko pa po puwedeng i-discuss, e.