ABS-CBN prime actor Coco Martin and GMA-7 primetime queen Marian Rivera will soon star in a movie for Regal Entertainment. Their first team-up will be directed by Maryo J. de los Reyes.

Photo: Ian Farinas

Pormal nang pumirma ng movie contract ang Kapamilya actor na si Coco Martin para sa Regal Entertainment.

Ang pelikulang ito ang pagsasamahan nila ng Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Naganap ang pagpirma ni Coco sa EDSA Shangri-La Hotel.

Hindi nga maipaliwang ang kasiyahan sa mukha ni Coco habang pumipirma ng kontrata.

Present sa contract signing ang manager ng aktor na si Biboy Arboleda pati na ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal.

Dumating din sa contract signing si Marian na isang exclusive Regal baby bilang suporta sa bagong makakapareha. Kasama niya ang kanyang manager na si Popoy Caritativo. 

Nagkahiyaan man nung pormal na ipakilala sa isa't isa, kalaunan ay naging magaan na ang loob nila sa isa't isa.

Nagpahayag ng kasiyahan at excitement ang Kapuso actress sa pakikipagpareha sa multi-awarded actor.

Kahit direktang magkatapat ang timeslot ng kani-kanilang drama series—My Beloved ni Marian at Walang Hanggan ni Coco—at matindi pa ang labanan ng kinabibilangan nilang networks, napatunayan nilang hindi pala imposible ang magsama sila sa isang pelikula.

Ang naatasang magdirek ng pelikula nina Coco at Marian ay ang batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Kaya naman ngayon pa lang, abala na si Direk Maryo sa pag-iisip ng konseptong magiging swak na swak sa personalidad nina Coco at Marian, lLalo na't walang nakakaalam kung magkakaroon ng Part 2 ang tambalan nila.

Isa namang achievement sa mag-inang Monteverde ang pagsamahin sa isang pelikula ang dalawa sa biggest artists ng kani-kanilang network.

Muli ngang bumalik ang pagiging movie fan ni Mother Lily dahil kay Coco.

Sabi ni Mother Lily, "I really admire Coco's acting talents! Ang galing niya!